read.cash Log in
@ruby0622

@ruby0622 in May 2022

@ruby0622

Blessed Sunday Noise fam! Dahil umalis ang Lolo at Lola kasama ang mga apo ako muna pansamantala magbabantay :) Habang nagbabantay pinakuluan ko na rin ang ulam namin mamayang pananghalian bumili ang Lola ng karneng baka ilaga ko raw maaga nagpalambot para siguradong malambot talaga ang karne nahirapan na din biyenan kong babae kapag matigas ang ulam dahil sa kakaunti nalang ang ngipin hehe kapag tumatanda ganun na talaga :) Tahimik ngayon mamayang hapon pa mga customer nito…

@ruby0622

Kahit pagod galing pamamasyal ayaw pang matulog ng dalawang makulit gusto pa manood ng movie. Dahil wala naman online class bukas kaya pagbigyan. Kumakain pa ng chips sa loob ng kulambo medyo malamok kasi dito sa Lolo at Lola kaya kailangan may kulambo ang arte din ng balat kasi ng dalawang dalaga ko lalo na si bunso. Nung huli namin bakasyon dito daming kagat ng lamok si bunso pag uwi namin ng bahay kamot kasi ng kamot kaya minsan nasusugat na. Habang nanonood ng movie…

@ruby0622

Picnic Grove Tagaytay Ito ang ganap kahapon ng hapon sobrang saya ng dalawang makulit nakapamasyal ng park. Maalala ko last year ng December bago kami magbakasyon sa probinsya ay pumunta rin kami dito bad mood talaga si bunso at umiyak pa dahil ayaw kaming papasukin dahil bawal ang bata :) Kaya kahapon tuwang-tuwa, panay lang takbuhan nila ang lawak ng playground :) Nagbaon lang kaming pansit at drinks para may meryenda ang mahal ng pagkain kapag dito Ka bibili. Ang dami na…

@ruby0622

Fun Day! Sobrang saya ng dalawang girls ko sa pagpapalipad ng saranggola. Pati ako nakisali tinatakbo pa para lumipad nakapag ehersisyo tuloy ng wala sa oras. Parang bumalik ako pagkabata tumatakbo habang nagpapalipad ng saranggola pagkahinto sa pagtakbo unti-unti rin bumababa ang saranggola pinapagod ko lang sarili ko haha. Si mister talaga nagpapalipad ng saranggola kami lang tagahagis sa taas pero dahil walang hangin masyado ang baba lang ng lipad. Hindi ko alam nagvideo…

@ruby0622

Swing Model ^_^ Feeling model lang ang dalawang dalaga ko :) Baka magustuhan nyo bili na kayo diyan :D Ganito mga paninda ng mga biyenan ko dito sa Tagaytay meron sala set, coffee table at iba pa medyo pricey lang talaga ang presyo pero sulit naman dahil matibay talaga pwedeng indoor o outdoor. Ang customer ang pipili ng design na gusto nila kasi made to order naman :) Ang ganda kung may ganito sa bahay gusto rin ng dalawang dalaga ko kaso ang sikip nga lang sa bahay soon…

@ruby0622

Jobee Again ^_^ Halos katatapos lang ang meryenda ang tagal kasing umuwi ang biyenan kong lalaki at hipag ko na birthday celebrant. Bibili sana sila ng cake yun lang walang nabili naubusan daw :) Itong dalawang girls ko kasi kapag birthday naghahanap ng cake dapat kapag birthday daw meron cake haha. Dahil naubusan ng cake bumili nalang sa jobee ng isang bucket chicken joy, fries at palabok. Ito na daw uulamin sa dinner ang fried chicken. Nagluto rin ako ng spaghetti…

@ruby0622

Pork Sinigang! Lunch time na Noise fam wag magpapalipas ng gutom kahit gaano tayo ka busy kailangan kumain parin sa tamang oras. Kakaluto lang ng pork sinigang na niluto ko. Umalis ang mga biyenan ko kaya ako incharge namalengke may dumadaan naman ditong mobile palengke. Hindi kasi marunong talaga ang hipag ko 24 years old na siya kahapon wala parin alam sa pagluluto dahil nasanay na lagi ang biyenan ko nagluluto para sa kanilang magkakapatid. Naaawa nalang ako kasi matanda…

@ruby0622

Langka Sarap! Matagal ko ng gusto kumain nito sa wakas natikman uli :) Nagbigay yung asawa ng hipag ko bumili kasi siya ng isang buong langka nakaraang araw pero hindi hinog nabili niya. Kaya sayang lang wala kasing bango halos halikan ko na sa kakaamoy kahapon wala man lang akong naamoy na mabango haha. Akala niya daw kasi hinog na dahil malambot natawa nalang ako hàha sabi ko malalaman mo kapag hinog na ang langka dahil malayo kapa naaamoy mo na :) Ewan ko lang kung…

@ruby0622

Blessed Morning Noise fam! Tuwang-tuwa ang mga dalaga ko sa mga kuting namiss nila alagang pusa sa bahay. Dito sa Lola at Lolo may pusa din silang alaga mag-ina kaya enjoy silang nakikipaglaro mahihilig din kasi talaga sa pet lalo na sa pusa :) Habang naghihintay kaming magkaroon ng tubig para makaligo nawawalan kasi ng tubig dito alas singko ng umaga wala na daw magkakaroon uli ng alas nuwebe o alas diyes ng umaga ang hirap talaga mawalan ng tubig naubos na kasi ang ipon na…

@ruby0622

Kapag ganitong mainit ang panahon ang sarap talaga magtampisaw sa dagat :) Dito maganda magbabad sa beach. Kuha pa ito nung bakasyon namin nakaraang pasko sa probinsya. Walang kasawaan ang magpipinsan sa pagsiswimming halos araw-araw gusto maligo sa dagat. Nag iiyak pa bunso ko kapag uwian na dahil gusto pa maligo walang kapaguran kahit ang lamig ng panahon dahil panay ulan parang hindi man lang sila nilalamig :) Kaming nagbabantay nalang ang nilalamig sa kanila :) Dahil…

@ruby0622

Mapagpalang araw Noise fam! Nakapaglunch naba lahat?Kami kanina pa tapos sinigang sa bangus ang ulam :) Sobrang init sa araw na'to itong dalawang anak ko nagdadahilan hindi daw sila matulog just today lang kasi maalinsangan hindi raw sila makatulog. Nagdadahilan pa ayaw lang talaga matulog :) kaya sabi ko sige hindi kayo matulog pero hindi kayo maggadget humirit naman manood nalang daw silang movie habang higa-higa. Katatapos lang kumain laro na agad sa gadget pero nakikinig…

@ruby0622

Picnic Grove Ferris Wheel Kuha pa ito nung linggo sa pamamasyal namin sa Picnic Grove. Ito kaagad ang bubungad sayo pagpasok mo ng park, nasa 150 pesos din daw isang ikot nito. Pero hindi ko kaya talaga sumakay sa ganito. Si bunso nagyaya sa akin na sasakay daw kami ng zipline gusto niyang matry kasi si ate niya nakatry ng magzipline nainggit si bunso kaya gusto rin niya maranasan :) Kaso hindi ko talaga kaya magzipline pag akyat pa lang nanginginig na tuhod ko haha.…

@ruby0622

May naligaw na mini bus nakaparking dito sa tapat ng furniture shop ng mga biyenan ko. Ito ay byaheng Naic to bacoor daw sa Naic mo daw madalas makita ang ganitong bus sabi lang din ng biyenan kong babae :) Natuwa lang akong nakakita nito kaya kinuhaan ko ng litrato unang beses kong makakita ng ganitong sasakyan may design ng watawat natin at agila. Ang ganda lang tingnan :) Sobrang init na naman ngayong araw, minsan makulimlim pero ang alinsangan parin ramdam mo ang init ng…

@ruby0622

Furniture Delivery! Ito yung mga furniture items na deniliver kanina sa Antipolo. Nagagandahan talaga ako dito sa coffee table and chair set. Isa daw ito sa best seller ng paninda nila sabi ng biyenan kong babae. Pwedeng ilagay sa loob o labas ng bahay ang ganda tingnan :) Kasama na yung foam sa items yung customer ang mamili kung anong kulay gusto niya. Itong swing ang paboritong display ng mga anak ko dito sa furniture shop ng Lolo at Lola nila sinasakyan kasi at…

@ruby0622

Cheese Roll Happy and Blessed Mother's Day sa ating lahat mga Dakilang Ina ^_^ May binili ang asawa kong cheese roll ito na meryenda namin ngayon :) Dahil mahihilig mga anak ko sa cheese kaya tiyak magugustuhan nila ito, natutulog pa ang dalawang prinsesa ko. At mamayang alas kwatro mamasyal daw dahil Mother's day ngayon baka sa park na naman kami pupunta nito. Nakaraang linggo namasyal ng Picnic Grove gusto ko sa iba naman itong asawa ko gusto uli doon kasi magpapalipad daw…

@ruby0622

Isang mapagpalang gabi sa lahat :) Kumusta ang inyong selebrasyon ng Mother's Day? Kami naman ay namasyal sa park nag horse riding at ikot-ikot lang sa Picnic Grove. Nakaraang linggo namasyal rin kami dito kaya sabi ko sa iba naman pero dito nalang daw dahil gusto din ng mga anak ko sumakay sa horse :) Pagkatapos ng horse riding namin ay nagpapicture kaming mag-ina sa nadaanan na kabayo sa halagang bente pesos pwede ka ng magpakuha ng litrato :) Ngayong araw ay selebrasyon…

@ruby0622

Isang mapagpalang araw Noise fam! Nakaboto na ba ang lahat siguro yung iba ay mamaya na o kaya ay umaayaw na sa haba ng pila. Grabe dito sa amin sobrang haba talaga ng pila ewan ko ba bakit nagkaganito dati hindi naman. Umalis kami dito sa Tagaytay ng 6am tapos nakarating kami ng alas siyete ng umaga hindi namin akalain na sobrang haba na kaagad ang pila. Mabuti kasama ko biyenan kong babae na senior citizen kaya nakapasok agad Kung wala, pipila ako sa pagkahaba-haba. Ang…

@ruby0622

Gutom na naman sila :) halos katatapos lang namin kumain tapos naghahanap na kaagad ng meryenda kaya mas gusto nila dito Kay Lola kasi kung anong gusto ibibili kaagad ng Lola. Sa bahay bihira lang sila makainom ng juice o softdrinks dito araw-araw spoiled sa Lola bigay kaagad ang gusto nila. Ang sabi naman ng Lola pagbigyan na raw ang gusto ng mga bata minsan lang daw makabakasyon dito. Sinabihan ko nalang mga anak ko sige magsawa dahil bukas uwi na kami sa bahay :) sa bahay…

@ruby0622

Meryenda uli ^_^ Bumili ang Lolo at Lola ng gamot sa Mercury pinasama mga apo ayaw ko na sanang sumama dahil naglalaba ako nilabhan ko na mga damit namin para walang labahin na dadalhin pag uwi bukas sa bahay sinanay na rin mga damit ng mga in-laws ko. Pero gusto talaga ni bunso sumama pa ako baka mahilo daw siya ang lapit lang naman ng pupuntahan :) Pagkatapos bumili ng gamot tinanong ng Lola mga apo anong gustong meryenda kaya sabi nila mcdo naman this time lagi na daw…

@ruby0622

Natutuwa ako sa mag-iina na alagang pusa ng mga biyenan ko may kanya-kanya silang pwesto matulog :) Itong itim na kuting si Gray ewan ko bakit gray pangalan niya kulay itim naman siya hehe dito talaga nakapwesto sa nakadisplay na furniture papatong talaga siya diyan, yan ang favorite spot niya diyan na rin siya natutulog :) Samantalang yung isang kapatid niya si Cotton katabi ng mama nila. Medyo hindi ako natutuwa dito sa mag-ina :) dito kasi lagi nakapwesto matulog sa…

@ruby0622

Home! Nakauwi na Kaming bahay galing Tagaytay hinatid kami ng mga biyenan ko kaninang umaga. Salamat sa Diyos sa paggabay at pag-iingat. Pagdating naglinis kaagad ang dumi at alikabok medyo matagal din bakasyon namin :) Ayaw pa sanang umuwi ng dalawang makulit pero may mga gagawin pa kasi na Performance task na hindi namin natapos. Sabi ko mahaba na ang bakasyon natin sa susunod na naman uli malapit na magbakasyon sa school balik nalang uli kaya hindi na nagrereklamo. Akala…

@ruby0622

Sinigang sa Miso! Nakapananghalian na ba lahat kumain po tayo sa tamang oras para hindi malipasan ng gutom. At uminom rin ng maraming tubig sobrang init na naman ng panahon. Ito ang ulam namin ngayong lunch hanggang dinner na ang ulam na yan :) isang lutuan lang para tipid sa gas. Tipid rin sa gasul kapag isda ang ulam madaling lutuin :) Medyo mahal nga lang ang isda na'to pero sulit naman sa sarap. Ito talaga ang masarap isigang sa miso Salmon belly tapos hinaluan ko na rin…

@ruby0622

My Princesses ^_^ Throwback muna :) nakakagigil lang ang bunso ko nung baby siya. Kapag nakatambay kami nun sa labas ng bahay ang daming nagtatanong kung anong milk niya kasi ang lusog niya :) Breastfeed naman ako sa kanilang dalawa pero may formula din na halo lalo na si bunso matakaw dalawang buwan pa lang hindi na sapat milk ng mama :) Sa unang larawan tatlong buwan si bunso diyan at si ate niya ay isang taon at anim na buwan. Mabuti nakuhaan ko ng litrato ang moment…

@ruby0622

Meryenda! Nakapagmeryenda naba ang lahat kami ito magmemeryenda pa lang. Ang ganda ng panahon ngayon nawala ang alinsangan umulan ng malakas kanina kaya medyo malamig na makulimlim pa rin hanggang ngayon. Nagrequest ang dalawang prinsesa, pizza daw ang gusto nilang meryenda kaya nagpadeliver daddy nila. Tuwang-tuwa sila may kasama pang milk tea ang pizza nila :) Basta pagkain hindi magtitipid itong asawa ko lalo na gusto ng mga anak niya. Kapag ako kasi matipid sasabihin ko…

@ruby0622

Blessed Saturday Noise fam! Ang tindi ng sikat ni haring araw ngayon. Maganda sana kung nakapagsampay na siguradong makakatuyo kaagad. Kaya lang tanghali na nagising, kaya tanghali na rin nakapag umpisa paglaba at makapag almusal. Ang balita pa naman uulan mamayang hapon sana wag matuloy tiyak mamayang hapon na ako matapos nito :) May naglalakong puto balanghoy at binangkal kaya napabili medyo matagal ng hindi ako nakatikim nito. Mainit init pa din ang puto balanghoy kaya…

@ruby0622

Korean Noodles! Medyo malamig na ang panahon dahil umulan ng malakas kaninang tanghali naalis ang alinsangan. Naabutan pa ako ng ulan sa paglalaba ang tindi ng init kaninang umaga sayang hindi nakapagsampay ng maaga nakatuyo sana ng mga nilabhan. Sampay nalang uli bukas sana umaraw makulimlim parin ang panahon ngayon. Nagcrave ako ng noodles na maanghang tamang-tama may nabili kami nung nakaraan paggrocery. Mahilig talaga ako sa maanghang pampagana kapag maanghang kinakain…

@ruby0622

Happy Swimming! Ang saya lang nila basta swimming ang ganap :) Pagkauwi namin galing church nagyaya na kaagad magswimming sila. Sobrang init kanina ngayon makulimlim na parang uulan na naman mabuti nakatuyo na nilabhan ko kahapon. Ganitong oras din bumuhos ang malakas na ulan kahapon. Kahapon pa silang dalawa nagyaya na maligo sa inflatable pool nila. Kaya lang laba day ko kahapon kaya ngayong araw nalang. Basta may pangako ka sa kanila tinatandaan naniningil talaga…

@ruby0622

Sunday Fellowship! Ang saya ng bonding kaninang hapon kasama mga ka churchmates. Every 3rd Sunday may women's fellowship sa church hindi nakapunta ibang sisters in Christ medyo malakas din kasi ang ulan kaya hindi na nakapunta ang iba. Madalas sa church kami nagtitipon kaya para maiba naman ang venue dito kami sa mcdo nagfellowship habang kumakain physical ay kumakain din spiritual :) Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat Salita ng Diyos (Mateo 4:4)…

@ruby0622

Meryenda! Malamig ang panahon ngayon kaya masarap kumain ng mga may sabaw lalo na nitong lugaw. Tuwing hapon umuulan na dito sa amin umpisa pa nakaraang araw pero sa umaga ang tindi ng sikat ng araw pagdating ng tanghali o hapon uulan. Mas malakas ang ulan kahapon kaysa ngayon mahina lang pero tuloy-tuloy. Nagustuhan din ng dalawang dalaga ko ang lugaw na meryenda with egg lang sa kanila. Itong sa amin mag-asawa may bagnet kaya mas mahal. Galing kasi si mister ng LTO nag…

@ruby0622

Mapagpalang Martes Noise fam! Makulimlim na naman ang panahon tuwing hapon ganito ang weather sa umaga sobrang init pero mas gusto ko umulan para hindi maalinsangan kawawa nga lang mga nagtatrabaho sa labas kapag maulan. Dahil balik eskwela na back to reality na rin mga estudyante ko pati na rin tayong mga nanay na nakaalalay sa mga anak natin ngayong online o modular class sila :) Baka sa susunod na pasukan face to face na. Nag umpisa na rin magface to face dito sa school…

@ruby0622

A Quick Throwback Ito yung panahon na nasa malayong lugar pa ako nagtatrabaho, isang dekada na ang nakalipas ang bilis sampung taon na pala ang nagdaan :) Katatapos ko lang nito magpraktis magdrive maalala ko yung asawa ko nagturo sa akin boyfriend ko pa siya that time magkasama kami ng company pinagtrabahuan doon ko din siya nakilala. Kinakabahan lagi sa akin kapag magpraktis na kami kapag nagulat kasi ako biglang preno kaya yung sasakyan parang umaalog haha. Sa katagalan…

@ruby0622

Rainy Afternoon! Tuwing hapon na talaga umuulan ngayon ang lakas ng ulan dito sa amin may kasamang kulog at kidlat pa. Kapag ganito ang panahon masarap talaga kumain at matulog lang katamad kumilos :) Nakapagmeryenda naba lahat?Kami ng mga anak ko magmemeryenda pa lang kagigising lang Ng dalawang prinsesa ko sarap kasi matulog kapag maulan malamig ang panahon. Mabuti may dalang tinapay kanina ang biyenan kong babae dumaan lang dito sa bahay kinuha yung reading glass na…

@ruby0622

Early Morning Incident! Isang mapagpalang umaga Noise fam! Kaybuti talaga ni Lord sa buhay namin sa Kanyang proteksyon sa araw na ito. Kaninang mag alas kwatro ng madaling araw ginising ako ng asawa ko dahil nagkakagulo na sa labas dahil may sunog. Paglabas ko ng bahay grabe na ang usok kinabahan talaga ako dahil ang lapit lang sa bahay namin. Nasa likod ng bahay ng katapat namin mabuti nalang nagising yung katapat namin dahil pumasok na ang usok sa bahay nila. Kaya ginising…

@ruby0622

Snacks Time! Isang maulan na hapon uli ngayon tuwing hapon ganito talaga ang panahon. Nakapagmeryenda naba ang lahat?kapag ganitong malamig ang sarap talaga kumain nakakagutom :) Katatapos ko lang maglaba sinipag ako ngayong araw dapat bukas pa ang laba dami day. Kagaya nakaraang linggo na paglalaba naabutan uli ng ulan hapon na kasi natatapos, tag ulan na talaga ngayon.Bumili ang asawa ko ng doughnut para sa dalawang dalaga namin ito daw gusto nilang meryenda. Sa ngayon…

@ruby0622

Saturday Bible School! Tuwing Sabado ng umaga may Bible school mga kiddos. Sinamahan ko na ang dalawang anak ko sa church dahil wala naman ginagawa tapos na ang labahin ko kahapon para makatulong na rin sa pag assist sa mga bata. Ang kukulit din talaga kapag ganitong edad :) pero nakakatuwa kasi gusto nilang mag attend ng ganitong gawain sa Panginoon. Glory to God! Maganda talaga habang bata pa tinuturo na ang Salita ng Diyos sa kanila para madala nila hanggang paglaki…

@ruby0622

Movie Night Dahil weekend ngayon movie night ng pamilya. Gusto panoorin ng mga anak ko yung bagong Doctor Strange pero malabo pa nung na download ng daddy nila kaya ito nalang pinanood. Gusto ko rin ang bida ng movie nato si Liam Neeson ang galing niya kasi halos lahat yata ng movie napanood ko hehe. Ito yung bagong movie niya "Memory" ang gaganda ng mga movie ng actor nato ang galing niya kahit may edad na :) Walang choice mga kiddos kundi manood nalang din sa movie kasi…

@ruby0622

Horse Riding ^_^ Sobrang nag enjoy ang mga dalaga ko dito :) Ito and pangalawang beses nilang nakasakay ng kabayo. Hindi na nila matandaan ang unang beses magtatlong taon pa si bunso that time at apat na taon naman ang ate niya. Ito yung nasa Tagaytay pa kami Mother's Day celebration namasyal uli sa Picnic Grove. Isang oras na horse riding ay 150 pesos ang bayad pero hindi na namin tinapos and 1hour, wala Lang 30minutes bumaba na kami naaawa na si bunso sa kabayo tired na…

@ruby0622

Snacks Time! Grabe ang tuwa ng dalawa sa malaking french fries na binili ng daddy nila. Napakagastos talaga nitong asawa ko mas malaki pa magastos na meryenda kaysa ulam namin ngayong araw :) Sabi ko may nagtitinda namang fries sa kanto pumunta pa talaga sa malayo para dun bumili para daw mas masarap sa pototo corner na bumili ang gastos lang talaga kapag pagkain hindi marunong magtipid :) Kabaligtaran talaga sa akin sobrang matipid siguro dahil lumaki ako sa hirap ng buhay…

@ruby0622

My Little Princess ^_^ Natuwa lang ako dito larawan ni bunso ang cute lang :) Medyo matagal na po ito tatlong taon na mahigit ang nakalipas, isa siya sa flower girl sa kasal ng tita nila, pinsan ng daddy nila. Siya ay tatlong taon dito. Ang ate niya ay kasunod dito naglakad sa kanya kasama ko dahil ayaw maglakad mag isa nahihiya naiiyak na kaya sinamahan ko nalang, hindi lang nakuhaan ng litrato ng daddy nila ewan ko ba bakit si bunso lang. Kami ng panganay niya hindi man…

@ruby0622

Meryenda Time! Ang tindi ng sikat ng araw kaninang umaga tapos ngayon hapon biglang umulan. Kaya dapat may baon tayong payong palagi kapag umalis ng bahay paiba-iba ang weather. Masarap din matulog ngayon malamig ang panahon pero hindi talaga ako sanay matulog ng hapon maraming pinagkakaabalahan mga anak ko lang pinapatulog ko :) Kaya ito meryenda muna samahan ng kape itong bread rolls sa akin sa mga dalaga ko ang cake slice paborito nila yan. Pasalubong ito ng asawa ko…

@ruby0622

Parcel Received! Pagkatapos ng limang araw dumating na rin ang pinakahihintay ng aking asawa ang kanyang Air Fryer :) umorder siya nito online dahil desidido na daw siya magpapayat haha. May binigay na challenge kasi ang mama niya nung nandun kami sa Tagaytay na bago daw matapos ang taon na'to dapat pumayat na siya :) May premyo daw na 15k kapag nagawa ang challenge kapag hindi naman nagawa kami ang magbibigay sa biyenan ko ng 15k, Kaya kailangan niya magpursige magpapayat…

@ruby0622

Happy Kids! Napabili na naman ang daddy nila sa gusto nilang meryenda napasarap ang tulog nila kaya ngayon lang makapagmeryenda. Ang sarap kasi matulog malamig ang panahon maulan kasi ngayon araw kaninang umaga pa lang bumuhos na ang malakas na ulan. Mabuti nalang nasa church na mga kami ng mga anak ko nung bumuhos ang malakas na ulan tuwing Sabado kasi may Bible School sila. May kasama pang laruan ang pinabiling pagkain kaya tuwang-tuwa na naman mga kiddos nadagdagan toys…

@ruby0622

Sunday Fam day! Kakauwi lang namin galing mall nagyaya mga kids mamasyal daw. Kaya pagkatapos ng church service ng alas onse umaga kanina diretso na kaagad sa mall. Sa mall na rin kumain kaya napagastos hehe minsan lang naman kaya pagbigyan :) dito na kami sa Gilligan's restaurant kumain medyo pangmasa ang presyo ng pagkain dito kumpara sa ibang restaurant at masasarap din food nila :) Tuwang-tuwa na naman mga dalaga ko nakapamasyal uli dito nagsawa rin kakalaro sa arcade.…

@ruby0622

Happy Day! Napagala kahapon sa mall dahil nagpumilit ang dalawang dalaga ko kaya pinagbigyan dahil bihira lang din naman sila makagala. Ito talaga ang habol nila kapag nakagala sa mall ang maglaro sa arcade kaya mapapagastos ka talaga sa tokens pa lang magkano na kaagad hehe. Pero sulit naman dahil super nag enjoy sila yun naman ang importante happy sila :) Ang saya lang nila tingnan sabik na sabik sa tagal din nilang hindi nakapaglaro dito kaya ang tagal natapos ako ang…

@ruby0622

Sweet Snacks ^_^ Pagkatapos magsawa kakalaro kahapon sa mall bago umuwi nagpabili na naman ng doughnuts sa daddy at dahil hindi marunong magtipid itong asawa ko bumili naman may extra naman daw sa baon niya :) Kaya itong doughnuts na isang box natira kahapon ang meryenda namin ngayon manghingi lang akong isa :) ang tatakaw kasi ng dalawang anak ko nito pero nakakatuwa naman magana silang kumain paborito kasi nila :) Nakapagmeryenda naba ang lahat? Makulimlim na ngayon kanina…

@ruby0622

Tinolang Pampano! Ito ang ulam namin mag-ina for today tinolang isda. Paborito ng dalawang dalaga ko ang isda na'to masarap naman din talaga at malaman siya. Medyo mahal nga lang ang kilo nito isang piraso lang binili ko almost 200pesos na kaagad. Minsan lang din makabili nito ang mahal kasi hinaluan ko lang ng saluyot at malunggay. Mas masarap sana may tanglad pampabango kaso hindi pa lumago ang tanim ko kinakain pa ng alaga ng mga anak na pusa inuunahan pa ako :) masama…

@ruby0622

Late Meryenda! Biglang bumuhos ang ulan ngayon hapon kaninang umaga ang tindi ng araw. Habang namalengke kaninang umaga napabili rin ako ng saging saba ang ganda kasi ng saging tapos nasa 35pesos lang ang kilo madalas kasi 45pesos ang kilo nito tapos malalaki na rin. Kaya ito ginawa kong bananacue namiss kong magluto nito isa sa paborito kong meryenda. Katatapos lang ng mga kiddos sa activities nila kaya nagutom at hinayaan ko na rin maggadget. Ang seryoso nila parang may…