Blessed Sunday Noise fam! Dahil umalis ang Lolo at Lola kasama ang mga apo ako muna pansamantala magbabantay :) Habang nagbabantay pinakuluan ko na rin ang ulam namin mamayang pananghalian bumili ang Lola ng karneng baka ilaga ko raw maaga nagpalambot para siguradong malambot talaga ang karne nahirapan na din biyenan kong babae kapag matigas ang ulam dahil sa kakaunti nalang ang ngipin hehe kapag tumatanda ganun na talaga :) Tahimik ngayon mamayang hapon pa mga customer nito nasa pasyalan pa karamihan :) Ang sabi ng Lola kahapon mamasyal daw ngayon Kaya excited na naman mga apo. Tamang-tama maganda ang panahon sana magtuloy-tuloy hanggang mamayang hapon. Pinasyal ng Lola ngayon ang mga apo sa Lola sa tuhod (mama niya) hinahanap daw kasi ang dalawa namimiss na :) Malapit lang din ang bahay dito sa shop ng mga biyenan ko. Kaya siguradong matutuwa ang Lola sa tuhod kapag nakita ang dalawa :)
6 comments
Ang sarap naman ng ulam niyo Ka-noise! Enjoy ninyo ang bakasyon diyan!
Salamat kanoise :) marami kasing nagtitinda ng karneng baka dito sa Tagaytay mas mura kaysa karneng baboy.
Wow sarap naman niyan nilaga baka niyo sis
Oo nga sis ang sarap bihira lang makaulam din ng ganito mahal kasi pero dito sa tagaytay mura ang karneng baka kaysa baboy.
Enjoy your vacation sis...enjoy mga dalaginding, sobra wng happiness nila for sure..at syempre masarap ang bilaga nayan dahil mejo may kalamigan din ang klima jan no?
Kapag dito kasi sis halos araw-araw nandun sa Lola sa tuhod gumagala masaya daw kapag may bata sa bahay kaya pianapasyal silang dalawa doon :) Medyo mainit na rin dito sis kapag medyo madilim na saka pa lang lalamig mainit na kasi ang panahon.