Jobee Again ^_^ Halos katatapos lang ang meryenda ang tagal kasing umuwi ang biyenan kong lalaki at hipag ko na birthday celebrant. Bibili sana sila ng cake yun lang walang nabili naubusan daw :) Itong dalawang girls ko kasi kapag birthday naghahanap ng cake dapat kapag birthday daw meron cake haha. Dahil naubusan ng cake bumili nalang sa jobee ng isang bucket chicken joy, fries at palabok. Ito na daw uulamin sa dinner ang fried chicken. Nagluto rin ako ng spaghetti nagpresinta na akong magluto hindi ko kasi gusto luto ng biyenan kong babae na spaghetti maasim kasi :) pero syempre hindi ko na sinabi haha wag nyo nalang akong isumbong :D Nakakahiya naman kasi biyenan ko pa magluluto nandito naman ako :) kapag may customer kasi siya nag entertain kasi hindi ko naman kabisado lahat ng presyo ng paninda. Mas gusto kasi ng mga anak ko na spaghetti na manamis-tamis kaya bumili akong condensed milk maliit lang kasi ayaw ko rin naman sobrang tamis dapat sakto lang :D Hindi naman nakakain ang birthday celebrant dahil sumakit ang ngipin, sabi pa ni bunso perfect timing talaga haha. Kaunti nalang makakain ng kiddos nito maraming nakain spaghetti kanina tapos nag ice cream pa sila. Kumusta buong araw nyo Noise fam? Mapagpalang gabi sa ating lahat! #SnacksAndDinner #SisInLawBirthday
1 comment
Okay na okay na yan.. oh diba sosyal may jobee sa birthday