read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Picnic Grove Ferris Wheel Kuha pa ito nung linggo sa pamamasyal namin sa Picnic Grove. Ito kaagad ang bubungad sayo pagpasok mo ng park, nasa 150 pesos din daw isang ikot nito. Pero hindi ko kaya talaga sumakay sa ganito. Si bunso nagyaya sa akin na sasakay daw kami ng zipline gusto niyang matry kasi si ate niya nakatry ng magzipline nainggit si bunso kaya gusto rin niya maranasan :) Kaso hindi ko talaga kaya magzipline pag akyat pa lang nanginginig na tuhod ko haha. Niloloko ko si bunso sabi ko dito nalang kami sa Ferris wheel sasakay pero umayaw naman takot daw siya. Sabi ko, takot ka sa Ferris wheel sumakay mas nakakatakot nga ang zipline haha. Sabi niya gusto daw niya kasi matry magzipline kasi sabi ng ate niya so much fun daw haha. Nakasakay kasi ang ate ng zipline nung grade one pa siya field trip sa school. Iba kasi ang kasama ng ate that time dahil si bunso ang kasama ko pero nung umakyat na kami ni bunso nasa pinakamataas na para sasakay, nanginig talaga ang tuhod ko sa takot nakaupo nalang akong pababa sa hagdan haha. Kaya dismayado si bunso ng oras na yun dahil ang ate niya nakasakay na kasi nauna sila tapos siya hindi daw :) Naabutan na kami gabi sa pamamasyal dito sa park nalibang sa pagpapalipad ng saranggola hindi man lang talaga tumaas ang lipad naabutan nalang ng gabi haha. Blessed evening Noise fam!

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.