Isang mapagpalang araw Noise fam! Nakaboto na ba ang lahat siguro yung iba ay mamaya na o kaya ay umaayaw na sa haba ng pila. Grabe dito sa amin sobrang haba talaga ng pila ewan ko ba bakit nagkaganito dati hindi naman. Umalis kami dito sa Tagaytay ng 6am tapos nakarating kami ng alas siyete ng umaga hindi namin akalain na sobrang haba na kaagad ang pila. Mabuti kasama ko biyenan kong babae na senior citizen kaya nakapasok agad Kung wala, pipila ako sa pagkahaba-haba. Ang asawa ko naman sinamahan biyenan kong lalaki kaya parehas Kaming hindi pumila dahil may senior kaming kasama. Kawawa ang mga nakapila sa labas ng school tindi pa ng araw nasa tabing kalsada lang mabuti sana kung malilim sakripisyo talaga para makaboto. Nung nakita ng mother in law ko ang haba ng pila umatras na hindi daw siya pipila sa ganun kahaba may high blood din kasi siya. Sabi niya magpalipat na daw talaga siya dito sa Tagaytay sa susunod na botohan hindi daw ganun kahaba ang pila dito :) Natapos kaming bumoto ng alas onse pagkatapos pumuntang mall para kakain pero sarado pa alas dose pa daw magbubukas Kaya sa supermarket nalang Kami kumain yun lang ang nakabukas. Sabi ko sa mga anak ko kahapon na maaga kaming magising kinabukasan dahil uuwi na sa bahay pero ayaw pa talaga pumayag wala pa naman daw pasok bakit uuwi na. Sabi ko boboto kasi kami ng daddy niya ganun din mga Lolo at Lola kaya uuwi ng Dasmarinas, hindi talaga pumayag ang dalawa kaya kinausap ko nalang na alis kami ng maaga Tito lang maiwan sa kanila at baka tanghali na makauwi :) Hindi nga nagkamali nakauwi kami dito sa Tagaytay ng alas dos nagpaggawa pa kasing reading glass biyenan ko kaya natagalan sa mall.
2 comments
Oo friend, sobrang haba ng pila pero pwede bumoto hangga 8 pa ata..kasi nung oauwi kame, may maka naka pila pa... Mabuti at mga senior ay may priority lane kahit sa pagboto
Oo nga sis kawawa din naman kasi mga senior kung pipila din sila sa kaarmihan grabe sobrang haba. Hanggang 7pm lang daw pagboto sis pero maganda yata kapag hapon kasi wala na daw pila.