read.cash Log in
@ruby0622

Parcel Received! Pagkatapos ng limang araw dumating na rin ang pinakahihintay ng aking asawa ang kanyang Air Fryer :) umorder siya nito online dahil desidido na daw siya magpapayat haha. May binigay na challenge kasi ang mama niya nung nandun kami sa Tagaytay na bago daw matapos ang taon na'to dapat pumayat na siya :) May premyo daw na 15k kapag nagawa ang challenge kapag hindi naman nagawa kami ang magbibigay sa biyenan ko ng 15k, Kaya kailangan niya magpursige magpapayat para kami ang makatanggap ng premyo haha. Mamaya pa masusubukan paggamit nito, mukhang maganda ito maraming pwede mong iluto. Dito nalang ako magtoast ng bread mga anak ko mahilig sa toasted bread :) Kumusta kayo Noise fam? Maganda ang weather ngayon sana magtuloy-tuloy para makatuyo sa mga nilabhan ko kahapon napaaga ang paglalaba ko hindi ko na hinintay ang Sabado sobrang dami na kasi nila kumakaway na sa akin hehe. Happy and Blessed Friday to all! Stay safe ang lahat.

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.