Blessed Morning Noise fam! Tuwang-tuwa ang mga dalaga ko sa mga kuting namiss nila alagang pusa sa bahay. Dito sa Lola at Lolo may pusa din silang alaga mag-ina kaya enjoy silang nakikipaglaro mahihilig din kasi talaga sa pet lalo na sa pusa :) Habang naghihintay kaming magkaroon ng tubig para makaligo nawawalan kasi ng tubig dito alas singko ng umaga wala na daw magkakaroon uli ng alas nuwebe o alas diyes ng umaga ang hirap talaga mawalan ng tubig naubos na kasi ang ipon na tubig sa drum. Nag eenjoy naman ang dalawa habang nanonood sa magkapatid na kuting na naghaharutan ang cute nilang tingnan :) Ang mommy kuting nanonood lang din naghaharutan mga anak niya :D Nakakatuwa silang panoorin ang babait pa ng mga pusa na'to at malambing. Maghintay lang sila bigyan ng pagkain hindi yung umaakyat sa mesa para maghanap ng pagkain sila behave lang. Gusto ngang dalhin ni bunso sa bahay pag-uwi ang isang kuting sabi ko may alaga naman sila doon sa bahay at nagseselos yun kapag may bagong alaga :) at mamimiss niya ang kapatid at mommy kuting niya dito. Kaya hindi na nagpumilit kasi siya takot din malayo sa mama at kapatid niya :D
4 comments
Haping-hapi ang mga kids mo dahil sa mga pusa. At mukhang maamo naman ang mga cats na iyan, ka-noise! At least masaya ang bakasyon ninyo ng mga bata.
Oo nga kanoise tuwang-tuwa sa mga kuting ang hihilig nila kasi sa pet lalo na pusa :)
wow daming muning ning hehee
Mga bata napaka natural na ang hihilig at lambing sa mga animals no friend?