Sinigang sa Miso! Nakapananghalian na ba lahat kumain po tayo sa tamang oras para hindi malipasan ng gutom. At uminom rin ng maraming tubig sobrang init na naman ng panahon. Ito ang ulam namin ngayong lunch hanggang dinner na ang ulam na yan :) isang lutuan lang para tipid sa gas. Tipid rin sa gasul kapag isda ang ulam madaling lutuin :) Medyo mahal nga lang ang isda na'to pero sulit naman sa sarap. Ito talaga ang masarap isigang sa miso Salmon belly tapos hinaluan ko na rin ng ulo ng salmon. Ayaw ng mga anak ko ang gulay na mustasa kaya kangkong nalang nilagay ko at sitaw may okra na rin kaunti ako lang kakain ng okra ayaw ng mag-ama. Paborito namin mag-ina ang ulam na'to kapag sinigang ito ang pinakagusto namin sinigang sa miso mas masarap ang sabaw niya. Ang asawa ko naman ito lang kinakain kapag isdang sinabawan prito lang o inihaw ang gusto kapag isda. Happy lunch Noise fam! Have a blessed Thursday.
11 comments
Ganyan din ako sis isang lutuan lang peru usually breakfast hanggang lunch time hehehe
Masarap talaga ang Salmon belly na sinigang sa miso, ka- noise! Good afternoon!
Oo nga kanoise ang sarap talaga ng sabaw ng sinigang sa miso. Blessed evening.
ay ang sarap naman nang luto mo sis,sarap humigop nang sabaw kahit mainit ang panahon,maganda din naman mag sabaw sabaw para iwas na din sa dehydration grabeng init talaga kahit naligo na ako
Oo nga sis sarap parin humigop ng mainit na sabaw kahit mainit ang panahon. Sa sabaw ap Lang ulam na hehe. Grabe talaga sis tindi ng araw ngayon mabuti nalang medyo mahangin.
Wow sarap ng sinigang na miso..kakatapos lang kain sis gulay ang ulam
Oo nga sis sarap talaga ng sabaw nitong miso :)
Sobrang yummy naman nyan! Sarap mo ata magluto friend... Tatay ko mahilig magluto niyan kaso kapatid ko hindi naman masyado trip
Sakto lang sis hindi naman masyadong magaling magluto :) sa probinsya namin sis tinolang isda lang mahilig lutuin hehe
eat well noisemate masarap talaga kapag sinigang na salmon lalo na kapag freshhh sarap higupin ng sabaw hehe eat well sainyo kami medjo kakatapos lang kumain ee.
Oo nga sis ang sarap ng sabaw mas bet ko talaga itong sinigang sa miso :)