read.cash Log in
@ruby0622

Tinolang Pampano! Ito ang ulam namin mag-ina for today tinolang isda. Paborito ng dalawang dalaga ko ang isda na'to masarap naman din talaga at malaman siya. Medyo mahal nga lang ang kilo nito isang piraso lang binili ko almost 200pesos na kaagad. Minsan lang din makabili nito ang mahal kasi hinaluan ko lang ng saluyot at malunggay. Mas masarap sana may tanglad pampabango kaso hindi pa lumago ang tanim ko kinakain pa ng alaga ng mga anak na pusa inuunahan pa ako :) masama yata pakiramdam kaya niya kinakain gamot daw kasi nila yun. Mahihilig mga anak ko sa green leaves na sinabawan kaya ganito nalang ginawa kong recipe tiyak magugustuhan nila. Kami lang mag-ina sa ngayon nasa work asawa ko kaya ito ulam namin wala ang maarte kong asawa ayaw kasi yun ng sinabawan na isda, bukod sa sinigang sa miso na salmon yun lang kinakain niya kapag fish na sinabawan :) Hanggang dinner na ulam namin itong tinola. Mag oatmeal lang naman yung asawa ko mamayang dinner dahil pinupush na niya ang pagda-diet para sa 15k challenge nilang mag-ina (biyenan ko) kapag pumayat siya haha. Happy lunch Noise fam! Mapagpalang araw sa inyong lahat.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.