Horse Riding ^_^ Sobrang nag enjoy ang mga dalaga ko dito :) Ito and pangalawang beses nilang nakasakay ng kabayo. Hindi na nila matandaan ang unang beses magtatlong taon pa si bunso that time at apat na taon naman ang ate niya. Ito yung nasa Tagaytay pa kami Mother's Day celebration namasyal uli sa Picnic Grove. Isang oras na horse riding ay 150 pesos ang bayad pero hindi na namin tinapos and 1hour, wala Lang 30minutes bumaba na kami naaawa na si bunso sa kabayo tired na daw haha. Naisip ko nga nagpapahinga ba ang mga kabayo na'to kasi matapos gamitin may sasakay naman na iba parang walang pahinga ang hirap ng trabaho nila nakakaawa naman talaga. Gusto na bumaba ni bunso kasi naaawa na siya sa kabayo kinausap nga niya ang kabayo habang nakasakay kami parang pinapalakas ang loob para hindi mapagod natatawa nalang ako :) Akala ni bunso makapagpahinga na ang kabayo nung bumaba kami yun pala may sumunod na sasakay sa amin, siguro kung nakapagsalita lang sila nagreklamo na pagpahingahin naman sila. Ayaw ko sana sumakay pero walang kasama si bunso at ayaw din sumakay kapag iba ang kasama :) Hindi rin pwede na mag-isa lang siya. Ang ate naman niya yung tita ang kasama mabuti nalang sumama ang Tita may kasama siyang sumakay sa kabayo :) Hindi kasi pwede ang daddy dahil mabigat nakakaawa ang kabayo haha at lalong hindi pwede ang Lola :) Ito ang huling pasyal namin sa Tagaytay bago kami umuwi dito sa bahay sulit naman ang bakasyon sa Lolo at Lola nila sa Tagaytay nag enjoy ang kiddos lalo na dito sa horse riding tuwang-tuwa naranasan nila. Happy and Blessed Sunday Noise fam. God Bless us all!
6 comments
Tuwang tuwa ang lahat
Sana all sis Hindi pako naka try sumakay ng kabayo ehh, tama namn c bebe mopo sis parang Wala nga pong pahinga Yung kabayo kawawa namn
Kaya nga sis naaawa Rin ako sa kabayo ang hirap Ng ginagawa nila.
Wow, ka enjoy naman yan friend... Hindi pa ako nakasakay ng kabayo... Kita yung enjoyment ng mga bata
Oo nga sis sobrang nag enjoy mga chikiting :)
sulit na sulit ang bakasyon ng 2 dalagita sis ako takot ako sa kabayo haha kasi nung elementary ako hinabol ako ng kabayo kaya sa tuwing mkakakita ako niyan talagang takot ako nanginginig ako.