read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Pork Sinigang! Lunch time na Noise fam wag magpapalipas ng gutom kahit gaano tayo ka busy kailangan kumain parin sa tamang oras. Kakaluto lang ng pork sinigang na niluto ko. Umalis ang mga biyenan ko kaya ako incharge namalengke may dumadaan naman ditong mobile palengke. Hindi kasi marunong talaga ang hipag ko 24 years old na siya kahapon wala parin alam sa pagluluto dahil nasanay na lagi ang biyenan ko nagluluto para sa kanilang magkakapatid. Naaawa nalang ako kasi matanda na dapat mga anak na sana nag aasikaso pero sila parin inaasikaso kahit matatanda na. Na spoiled talaga sa magulang walang alam sa mga gawaing bahay magluto man o maglinis puro cellphone inaatupag. Siguro kung kapatid ko ito sermon laging maririnig sa akin :) Ayaw ko talagang lumaki ang mga anak kong ganito kahit siguro sabihin maykaya na sa buhay dapat alam parin ang mga gawaing bahay hindi natin alam ang takbo ng buhay kaya dapat marunong talaga sabagay kanya-kanya naman pagpapalaki ng mga magulang opinyon ko lang naman :) Balik tayo sa sinigang ang mahal pala talaga ng karneng baboy dito 370pesos ang kilo samantalang sa baka 330pesos lang mga laman na kaya mas mura pala talaga dito sa Tagaytay ang karneng baka kaysa baboy. Kanina ko pa pinalambot ang sinigang na niluto ko kaya sobrang lambot na niya hindi kasi makakain ng matigas ang biyenan kong babae kaya dapat yung karne at gulay lutong-luto na hindi makakaluto dito ng half cook lang :) Ang gusto ko pa naman sa gulay half cook lang crunchy kasi kaya masarap pero hindi pwede sa biyenan kong babae kaya halos lata na talaga mga karne o gulay na niluluto mapapabilis na ang kain wala ng maraming nguya haha.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.