read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

My Princesses ^_^ Throwback muna :) nakakagigil lang ang bunso ko nung baby siya. Kapag nakatambay kami nun sa labas ng bahay ang daming nagtatanong kung anong milk niya kasi ang lusog niya :) Breastfeed naman ako sa kanilang dalawa pero may formula din na halo lalo na si bunso matakaw dalawang buwan pa lang hindi na sapat milk ng mama :) Sa unang larawan tatlong buwan si bunso diyan at si ate niya ay isang taon at anim na buwan. Mabuti nakuhaan ko ng litrato ang moment na'to tuwang-tuwa sila nakita ang litrato. Wala talaga akong masyadong picture sa kanila nung baby pa sila lalo na si bunso sa dami kasi ng ginagawa mga gawaing bahay tapos dalawa silang inaalagaan ko kaya bihira ko lang sila nakuhaan ng picture hindi ko na naisip ngayon lang haha sana pala kinuhaan ko every day para maraming maipakita sa kanila. Nakakatuwa kasing balikan ang larawan nung baby pa sila. Sa pangalawang larawan ay nung nakaraang taon kasal ng tita nila habang naghihintay ng turn para aayusan sila picture muna sa reception ng kasal yan may kinuha silang mga room para doon makapagpahinga habang naghihintay :) alas nuwebe ng umaga nandiyan na kami kasi ang daming aayusan pero alas tres pa ng hapon ang kasal. Have a blessed night Noise fam.

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.