Korean Noodles! Medyo malamig na ang panahon dahil umulan ng malakas kaninang tanghali naalis ang alinsangan. Naabutan pa ako ng ulan sa paglalaba ang tindi ng init kaninang umaga sayang hindi nakapagsampay ng maaga nakatuyo sana ng mga nilabhan. Sampay nalang uli bukas sana umaraw makulimlim parin ang panahon ngayon. Nagcrave ako ng noodles na maanghang tamang-tama may nabili kami nung nakaraan paggrocery. Mahilig talaga ako sa maanghang pampagana kapag maanghang kinakain wag lang sobrang anghang din :) Kaya niluto ko iyong cup noodles akala ko talaga may sabaw siya kasi may nakalagay ramen. Nung naluto na pagtikim ko walang lasa pero ang anghang niya nakapagtataka lang bakit matabang anghang lang nalalasahan ko :) Nung binasa ko instruction sa likod yun pala canton walang sabaw dapat haha. Hayy dapat sa sunod talaga magbasa muna excited lang kasing kumain kaya hindi na nagbabasa :D Sobrang anghang pala nito kasi may sabaw na nga maanghang na makikita sa hitsura ng sabaw. Napilitan nalang kainin sayang naman kung itapon may lasa parin naman anghang nga lang hehe.
9 comments
Kupo sis yan namn Ang Hindi ko tlgaa kinahiligan ehh Yung maanghang po
Same kayo Ng asawa ko sis ayaw rin Ng maanghang hehe
sarap nman nyan. di nman maanghang?
Maanghang sis kahit may sabaw na lalo na siguro Kung walang sabaw :)
Hahahaha sobrang excited nagkamali ..ok lang yan sis hindi nman nasayang kinain parin.
Kaya nga sis excited Lang kumain hindi na nagbabasa :)
These noodles look very spicy. I really want to eat. I can't eat spice
Ehehe, grabe sovrang anghang ata niyan..mahilig din ako sa manghang pero mild lang
Maanghang sis lalo na siguro Kung walang sabaw 'to usog ilong ko siguro hehe.