read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Mapagpalang Martes Noise fam! Makulimlim na naman ang panahon tuwing hapon ganito ang weather sa umaga sobrang init pero mas gusto ko umulan para hindi maalinsangan kawawa nga lang mga nagtatrabaho sa labas kapag maulan. Dahil balik eskwela na back to reality na rin mga estudyante ko pati na rin tayong mga nanay na nakaalalay sa mga anak natin ngayong online o modular class sila :) Baka sa susunod na pasukan face to face na. Nag umpisa na rin magface to face dito sa school ng mga anak ko priority lang daw muna ang mga estudyante na kailangan talaga turuan ng mga guro lalo na ang mga modular class. Kaya kailangan kong turuan mga estudyante ko para pagdating ng face to face natutunan talaga nila ang mga pinag-aralan ngayong taon. Itong math ang medyo maselan talaga sa lahat ng subject kaya pinapaintindi kong maigi ang tanong kasi kung magkamali ng operation na gagamitin o isang number mali na lahat ang sagot. Dahil grade 3 na itong panganay ko pinamemorize ko talaga ang multiplication table mabuti masipag naman alam na niya para hindi rin mahirapan sa division. Pangaral ko lagi sa kanila ni bunso ayusin nag pag-aaral at sila din mahirapan pagdating ng face to face kung wala silang alam sa mga lessons na pinag-aralan ngayon. Nagpasalamat naman ako at nakikinig palagi sa akin may oras lang napagsasabihan dahil minsan sobra sa limit na oras ang paggamit ng gadget. Mamayang kaunti patulugin ko na sila ni bunso para makapagpahinga ang isipan :) Mag-iingat po tayong lahat paiba-iba ang weather ngayon kaya magdala ng payong palagi kapag lumabas ng bahay at uminom palagi ng maraming tubig. God Bless us all!

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.