read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Meryenda Time! Ang tindi ng sikat ng araw kaninang umaga tapos ngayon hapon biglang umulan. Kaya dapat may baon tayong payong palagi kapag umalis ng bahay paiba-iba ang weather. Masarap din matulog ngayon malamig ang panahon pero hindi talaga ako sanay matulog ng hapon maraming pinagkakaabalahan mga anak ko lang pinapatulog ko :) Kaya ito meryenda muna samahan ng kape itong bread rolls sa akin sa mga dalaga ko ang cake slice paborito nila yan. Pasalubong ito ng asawa ko galing sa work kahapon nabawasan na itong slice cake ng dalawang anak ko kahapon tig isang slice sila. Itong bread rolls ang ngayon ko pa lang kakainin tamang-tama sa kape malamig ang panahon. Mag-iingat po ang lahat. Have a blessed day!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.