read.cash Log in
@ruby0622

Late Meryenda! Biglang bumuhos ang ulan ngayon hapon kaninang umaga ang tindi ng araw. Habang namalengke kaninang umaga napabili rin ako ng saging saba ang ganda kasi ng saging tapos nasa 35pesos lang ang kilo madalas kasi 45pesos ang kilo nito tapos malalaki na rin. Kaya ito ginawa kong bananacue namiss kong magluto nito isa sa paborito kong meryenda. Katatapos lang ng mga kiddos sa activities nila kaya nagutom at hinayaan ko na rin maggadget. Ang seryoso nila parang may exam lang haha ganyan mga bata kapag gadget ang hawak :) Ang sarap ng pagkaluto ko yun sabi ng mga anak ko haha nambola para ipagluto ko sila palagi bihira lang kasi ako magluto ng snacks nila :) mas masarap naman talaga ito kapag mainit pa. Medyo relax na tapos na mga gawain sarap sa pakiramdam :) medyo malamig rin ang panahon dahil nakaulan kanina.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.