My Little Princess ^_^ Natuwa lang ako dito larawan ni bunso ang cute lang :) Medyo matagal na po ito tatlong taon na mahigit ang nakalipas, isa siya sa flower girl sa kasal ng tita nila, pinsan ng daddy nila. Siya ay tatlong taon dito. Ang ate niya ay kasunod dito naglakad sa kanya kasama ko dahil ayaw maglakad mag isa nahihiya naiiyak na kaya sinamahan ko nalang, hindi lang nakuhaan ng litrato ng daddy nila ewan ko ba bakit si bunso lang. Kami ng panganay niya hindi man lang kinuhaan ng litrato hindi ko tuloy makita hitsura ko dito habang naglalakad haha. Natutuwa nga mga tao dito kay bunso kasi nakangiti at kumakaway pa yan habang naglalakad, feel na feel talaga niya ang moment :) Sabi nga ng mga kamag-anak ng asawa ko nakakatuwa daw si bunso mas sinamahan ko pa daw kasi ang ate kaysa kanya, siya kaya na walang mama sa tabi :) Nung nakita ni bunso picture na'to sabi pa niya "I look innocent here, mama" sabi ko nalang oo nga ngayon ang kulit mo na haha. Mapagpalang Martes Noise fam maganda ang sikat ng araw ngayon, kaya mainit na uli ang panahon :) #Throwback #FlowerGirl
7 comments
Ang Ganda namn ni bebe mo sis naka pose pa sya Ng maayos ohh alam nya tlagang kinukuhaan sya ng picture ehh
Oo nga sis nakakatuwa siya dito ang cute lang:)
Ngayon siguro parang dalaga na siya ..cute niya tingnan dito tyatlong taon gulang pa siya
Ehehe ang cute naman niya friend...pag pala talaga mag 3 onwards na grabe yung energy at kakulitan no?
Totoo yan sis kapag ganyan edad umpisa na ng kakulitan ng mga bata hyper na masyado :)
Ang cute naman ng baby girl na yan pahiram naman ng gown mo ahaha
Haha natutuwa nga bunso ko sis nakita Siya picture dito :)