read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Snacks Time! Grabe ang tuwa ng dalawa sa malaking french fries na binili ng daddy nila. Napakagastos talaga nitong asawa ko mas malaki pa magastos na meryenda kaysa ulam namin ngayong araw :) Sabi ko may nagtitinda namang fries sa kanto pumunta pa talaga sa malayo para dun bumili para daw mas masarap sa pototo corner na bumili ang gastos lang talaga kapag pagkain hindi marunong magtipid :) Kabaligtaran talaga sa akin sobrang matipid siguro dahil lumaki ako sa hirap ng buhay at itong asawa ko nakalakihan niya medyo nakakaluwag sila sa buhay. Hindi na natulog ang dalawang dalaga ko matutulog nalang kami ng maaga mamayang gabi. Ang sarap ng kain nila sa paboritong meryenda (fries) tapos may milk tea pa ang laki lang ng ngiti nila. Bumili rin asawa ko ng shawarma para sa aming dalawa at coffee frappe hati na daw kami :) Nakapagmeryenda naba ang lahat?kumusta ang weather diyan sa inyo. Dito makulimlim umulan saglit lang ambon nalang ngayon. Mag-iingat po tayong lahat.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.