read.cash Log in
@ruby0622

Happy Day! Napagala kahapon sa mall dahil nagpumilit ang dalawang dalaga ko kaya pinagbigyan dahil bihira lang din naman sila makagala. Ito talaga ang habol nila kapag nakagala sa mall ang maglaro sa arcade kaya mapapagastos ka talaga sa tokens pa lang magkano na kaagad hehe. Pero sulit naman dahil super nag enjoy sila yun naman ang importante happy sila :) Ang saya lang nila tingnan sabik na sabik sa tagal din nilang hindi nakapaglaro dito kaya ang tagal natapos ako ang napapagod kakasunod sa kanila haha. Si daddy nila ang nagtuturo sa mga nilalaro wala rin naman akong alam sa ibang laro :) Bonding moments na rin nilang mag-ama. Mabuti nalang hindi umulan kahapon nakikiayon sa paglakwatsa namin :) Happy and Blessed Monday Noise fam!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.