Swing Model ^_^ Feeling model lang ang dalawang dalaga ko :) Baka magustuhan nyo bili na kayo diyan :D Ganito mga paninda ng mga biyenan ko dito sa Tagaytay meron sala set, coffee table at iba pa medyo pricey lang talaga ang presyo pero sulit naman dahil matibay talaga pwedeng indoor o outdoor. Ang customer ang pipili ng design na gusto nila kasi made to order naman :) Ang ganda kung may ganito sa bahay gusto rin ng dalawang dalaga ko kaso ang sikip nga lang sa bahay soon siguro kapag magkaroon ng sariling bahay. Maganda ilagay sa labas tambayan habang nagpapahangin :)
11 comments
Ang ganda nga niyan, ka-noise! Lalo na kung may malaking puno kayo, sarap magpahangin habang nakaupo diyan. Magkano ang ganiyan, ka-noise?
Totoo yan kanoise ang sarap talaga sa ilalim ng puno mapresko. Nasa 14k kanoise kasama yung stand na bakal.
Siguro mabili iyan diyan sa Tagaytay kasi maraming may mga malaking puno at sa mga rest house diyan?
ang ganda naman niyan sissy, parang nakakarelax pag may ganyan sa bahay nakikita ko kasi sa mga pasyalan ang ganyan
Ang gaganda ng model sissy oh marami na bibili nyan o mag order. Maganda din kasi made to order.
Feel na feel lang sis pagiging model nila :) opo sis lahat kasi ng nakadisplay for pick up na.
Hehehe oo nga sissy eh ang galing pa nila mag pose eh. Model na model talaga
Ang ganda naman po ng business ng inlaws mo ka noise...sanay madami sila benta buwan buwan...at syempre, pabili nga ako ng mga model hihihi
Maganda naman sis kasi maraming namamasyal dito sa Tagaytay kaya nakakabenta sila kahit may kamahalan ang presyo :)
ang ganda sis ang galing naman ng bussiness nila hehe perfect yan ilagay sa garden masarap tambayan sa hapon habang nagpapahangin o nagkukwentuhan,
Kaya nga sis pangarap ko rin magkaroon ng ganito sa bahay :) siguro soon God's will kapag may sariling bahay na kami na malaki-laki :)