read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Natutuwa ako sa mag-iina na alagang pusa ng mga biyenan ko may kanya-kanya silang pwesto matulog :) Itong itim na kuting si Gray ewan ko bakit gray pangalan niya kulay itim naman siya hehe dito talaga nakapwesto sa nakadisplay na furniture papatong talaga siya diyan, yan ang favorite spot niya diyan na rin siya natutulog :) Samantalang yung isang kapatid niya si Cotton katabi ng mama nila. Medyo hindi ako natutuwa dito sa mag-ina :) dito kasi lagi nakapwesto matulog sa daanan natatakot ako baka maapakan sila. Minsan ang kulit ng dalawang anak ko nagtatakbuhan baka makalimutan nila nakapwesto pala sila diyan at maapakan baka makagat o makalmot pa sila. Mabuti nalang kahit nakaharang lagi sa daanan matulog ang mag-ina hindi nakakalimutan ng mga anak ko na mag-ingat nakakahiya naman sa mag-inang kuting maiistorbo tulog nila kung maapakan mo haha love na love yan ng dalawang anak ko sila nagpapakain mga pet lover kasi ang dalawa :) Kaya hinahayaan na rin sila matulog diyan kami nalang mag adjust sa kanila haha. Blessed evening Noise fam. God Bless!

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.