read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Kapag ganitong mainit ang panahon ang sarap talaga magtampisaw sa dagat :) Dito maganda magbabad sa beach. Kuha pa ito nung bakasyon namin nakaraang pasko sa probinsya. Walang kasawaan ang magpipinsan sa pagsiswimming halos araw-araw gusto maligo sa dagat. Nag iiyak pa bunso ko kapag uwian na dahil gusto pa maligo walang kapaguran kahit ang lamig ng panahon dahil panay ulan parang hindi man lang sila nilalamig :) Kaming nagbabantay nalang ang nilalamig sa kanila :) Dahil medyo malapit lang kami sa dagat sampung peso pamasahe wala naman entrance fee basta magbaon ka lang ng pagkain masaya na ang paliligo :) Tuwing may myday story ang kapatid ko sa probinsya at naliligo sila dito sasabihin naman ng dalawang anak ko dapat doon nalang daw kami sa probinsya tumira para swimming din daw sila palagi :) Dito daw kasi walang dagat haha may malapit sa amin mga resort mahal din ang entrance mas maganda parin kung sa dagat maligo :) Ang saya lang talaga nila basta swimming ang pupuntahan. Soon makabakasyon uli sa probinsya namin nakakamiss rin magbeach lalo na yung hihintayin sa dagat ang sunrise at doon mag almusal sa tabing dagat :) Ganyan ginagawa namin ng kapatid ko nung bakasyon maagang magising para magluto ng babaunin namin sa dagat. #Throwback #ProvinceVacation #MonthsAgo

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.