Meryenda! Nakapagmeryenda naba ang lahat kami ito magmemeryenda pa lang. Ang ganda ng panahon ngayon nawala ang alinsangan umulan ng malakas kanina kaya medyo malamig na makulimlim pa rin hanggang ngayon. Nagrequest ang dalawang prinsesa, pizza daw ang gusto nilang meryenda kaya nagpadeliver daddy nila. Tuwang-tuwa sila may kasama pang milk tea ang pizza nila :) Basta pagkain hindi magtitipid itong asawa ko lalo na gusto ng mga anak niya. Kapag ako kasi matipid sasabihin ko kaagad sa sunod nalang wala tayong budget haha. Pero kapag sa daddy nila sasabihin padeliver kaagad :) Kapag tayong mga nanay kasi tayo nagbabudget kaya kailangan magtipid relate naman siguro sa akin mga momsh diyan :) Ang hirap kaya magbudget :D Nakakatuwa lang rin tingnan masaya mga anak naibigay ang gusto nila. Kumusta buong araw nyo Noise fam? Stay safe kayong lahat. God Bless!
No comments yet