read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Rainy Afternoon! Tuwing hapon na talaga umuulan ngayon ang lakas ng ulan dito sa amin may kasamang kulog at kidlat pa. Kapag ganito ang panahon masarap talaga kumain at matulog lang katamad kumilos :) Nakapagmeryenda naba lahat?Kami ng mga anak ko magmemeryenda pa lang kagigising lang Ng dalawang prinsesa ko sarap kasi matulog kapag maulan malamig ang panahon. Mabuti may dalang tinapay kanina ang biyenan kong babae dumaan lang dito sa bahay kinuha yung reading glass na pinagawa nung eleksiyon ngayong araw lang sila nagkaroon ng oras makapunta dito sa bahay. Dahil nasa work ang asawa ko walang mautusan sarap sana mglugaw uli kaya itong tinapay na dala ng biyenan ko nalang ang meryenda tapos kape masarap magkape ngayon bihira lang talaga ako magkape ng hapon kapag ganitong panahon lang. Nakakatamad kumilos o lumabas ng bahay masarap lang kumain habang nanonood ng movie :) Kumusta ang weather diyan sa inyo Noise fam maulan rin ba? Stay safe ang lahat!

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.