read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Fun Day! Sobrang saya ng dalawang girls ko sa pagpapalipad ng saranggola. Pati ako nakisali tinatakbo pa para lumipad nakapag ehersisyo tuloy ng wala sa oras. Parang bumalik ako pagkabata tumatakbo habang nagpapalipad ng saranggola pagkahinto sa pagtakbo unti-unti rin bumababa ang saranggola pinapagod ko lang sarili ko haha. Si mister talaga nagpapalipad ng saranggola kami lang tagahagis sa taas pero dahil walang hangin masyado ang baba lang ng lipad. Hindi ko alam nagvideo pala panganay ko habang nagpahagis ako ng saranggola tapos tumama lang din sa akin pagbaba ng saranggola tuwang-tuwa naman siya habang nagvivideo :D Nakakapagod pala magpalipad, nakakangalay din :) Naabutan nalang kami ng gabi hindi man lang napalipad ng mataas haha. Maganda palang ehersisyo ang magpalipad ng saranggola pagpawisan ka rin :) #SundayFamDay

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.