A Quick Throwback Ito yung panahon na nasa malayong lugar pa ako nagtatrabaho, isang dekada na ang nakalipas ang bilis sampung taon na pala ang nagdaan :) Katatapos ko lang nito magpraktis magdrive maalala ko yung asawa ko nagturo sa akin boyfriend ko pa siya that time magkasama kami ng company pinagtrabahuan doon ko din siya nakilala. Kinakabahan lagi sa akin kapag magpraktis na kami kapag nagulat kasi ako biglang preno kaya yung sasakyan parang umaalog haha. Sa katagalan natuto rin naman pero automatic lang na sasakyan pero nahirapan talaga ako sa pagpaatras. Maganda kasi magdrive sa lugar na'to may disiplina mga tao, dito sa atin nakakatakot kasi maraming walang disiplina. Matagal na rin akong hindi nakapagdrive hindi na yata ako marunong umpisa may mga prinsesa na ako taong bahay nalang talaga :)
No comments yet