Mapagpalang araw Noise fam! Nakapaglunch naba lahat?Kami kanina pa tapos sinigang sa bangus ang ulam :) Sobrang init sa araw na'to itong dalawang anak ko nagdadahilan hindi daw sila matulog just today lang kasi maalinsangan hindi raw sila makatulog. Nagdadahilan pa ayaw lang talaga matulog :) kaya sabi ko sige hindi kayo matulog pero hindi kayo maggadget humirit naman manood nalang daw silang movie habang higa-higa. Katatapos lang kumain laro na agad sa gadget pero nakikinig naman na isang oras lang tama na :) Kinausap ko na Kasi sila na kapag dito kami sa Lola at Lolo bawal maggadget palagi. Kapag nandito kasi sila alam nilang spoiled sa Lola halos ayaw ng tumigil sa kakalaro ng online games. Kaya bago kami pumunta dito may kasunduan na limit ang paggamit ng gadget dahil hindi naman talaga maganda magbabad sa paggamit. Mabuti nakinig naman gagamit sila kapag sinabi Kong tama na ay titigil na sila pero hindi mawawala ang wait 5mins more na sagot :) Parang may exam lang ang dalawa ang seryoso sa mga nilalaro nila kung hindi mo talaga kontrolin wala silang kapaguran sa paglalaro online. Halos lahat naman ng kabataan ngayon hilig na talaga sa gadget nasa atin mga magulang nalang paano sila disiplinahin.
4 comments
Tama naman ang ginawa mo, ka-noise na may limitasyon ang paggamit nila ng gadyet. Mahirap na Kasi na matulad sa ibang bata na adik na at di na kayang bawalan ng mga magulang!
Kaya nga kanoise kailangan disiplinahin para din naman sa ikabubuti nila mabuti naiintindihan at nakikinig naman sa mama :)
Totoo yan friend..iba kasi ginawa nilang yaya ang gadget para hindi maabala ang mga parents pero ang tindi kase ng side effects ng gadget . Ang bilis mawala ng pasensya mga bata..se phone kase, isang pindot anjan na.. Tapos hindi mona mautusan kase busy sa phone.. Wala nading communication sa parents... At madami pang iba pag hindi controlled ang screen time
Totoo talaga sis ang daming hindi magandang dulot din sa selpon lalo na Kung sobra na yung paggamit nila sa gadget mabuti nalang itong dalawa kong anak nakikinig strict kasi ako. Hindi ako kagaya sa ibang parents pagbibigyan dahil gusto ng anak. Sa akin Kasi dapat ako ang masusunod hindi yung ako ang susunod sa anak lalo na kung alam kong mali ang ginagawa.