Kahit pagod galing pamamasyal ayaw pang matulog ng dalawang makulit gusto pa manood ng movie. Dahil wala naman online class bukas kaya pagbigyan. Kumakain pa ng chips sa loob ng kulambo medyo malamok kasi dito sa Lolo at Lola kaya kailangan may kulambo ang arte din ng balat kasi ng dalawang dalaga ko lalo na si bunso. Nung huli namin bakasyon dito daming kagat ng lamok si bunso pag uwi namin ng bahay kamot kasi ng kamot kaya minsan nasusugat na. Habang nanonood ng movie naglalaba rin ako ng mga damit namin ang dami na kasi agad ng labahan dahil panay ang alis din. Kaunting damit lang dala ko ang hirap kasi magdala ng marami nagcommute lang kami papunta dito sa Tagaytay. Tamang-tama matapos ang movie matapos rin ang labahan ko nawawalan kasi ng tubig dito kapag umaga kaya napilitan maglaba ngayon madami na rin kasi panay bihis ng dalawang anak ko :) Kumusta ang weekend nyo Noise fam? Blessed night to all!
5 comments
No problem naman, ka-noise! Naka- automatic washing machine ka namàn. Talagang walang kapaguran ang mga kiddos mo. Nag-eenjoy sila sa bakasyon sa Lola't Lolo nila .
Kaya nga kanoise mabuti automatic washing machine nila hindi kana mapapagod hintayin mo nalang matapos para isampay.
wow laki ng tv. hiteych pa ang washing.. sana all hahaha. good nite to all
good evening dami pa ding energy ng dalawa mong dalaga hehe mahirap din kasi matulog ng hindi pa inaantok ee, tamang tama pagtapos mo maglaba tapos na din sila manuod at aantukin na yan kaya naman sleep well sainyo later ako matutulog palang naghugas pa kasi ako ng pinggan hehe tsaka nag igib na din ng tubig para gagamitin bukas ng umaga,
Nawawalan rin ba kayo ng tubig din sis kasi mag iigib ka pa ehh :) tamang tama nga sis tapos ang movie nakatapos din akong maglaba.