read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Picnic Grove Tagaytay Ito ang ganap kahapon ng hapon sobrang saya ng dalawang makulit nakapamasyal ng park. Maalala ko last year ng December bago kami magbakasyon sa probinsya ay pumunta rin kami dito bad mood talaga si bunso at umiyak pa dahil ayaw kaming papasukin dahil bawal ang bata :) Kaya kahapon tuwang-tuwa, panay lang takbuhan nila ang lawak ng playground :) Nagbaon lang kaming pansit at drinks para may meryenda ang mahal ng pagkain kapag dito Ka bibili. Ang dami na rin mga taong nagpipicnic maluwag na talaga ngayon. Gusto pa naman ni bunso sumakay ng zipline pero gusto niya ako ang kasama ayaw niya sa daddy niya baka daw masira kasi mabigat daddy niya tawa nalang ako ng tawa haha nambully pa sa daddy niya :) Hindi ko kasi kaya talaga ang matataas na lugar nanginginig na tuhod ko :D kaya hindi nalang nagzipline takot kasi talaga ako sa heights advance ako mag isip negative kaagad naiisip ko :) Kung titingnan mo dito parang ang lapit ng Bulkan Taal pero ang layo pa niyan. Ang ganda lang ng view dito kasi nasa mataas lugar at ang presko talaga. #SundayFunDay

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.