read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Meryenda uli ^_^ Bumili ang Lolo at Lola ng gamot sa Mercury pinasama mga apo ayaw ko na sanang sumama dahil naglalaba ako nilabhan ko na mga damit namin para walang labahin na dadalhin pag uwi bukas sa bahay sinanay na rin mga damit ng mga in-laws ko. Pero gusto talaga ni bunso sumama pa ako baka mahilo daw siya ang lapit lang naman ng pupuntahan :) Pagkatapos bumili ng gamot tinanong ng Lola mga apo anong gustong meryenda kaya sabi nila mcdo naman this time lagi na daw jobee :) Pagdating na dito sa bahay kinain ang meryenda ayaw kainin sa sasakyan baka masuka daw siya ang sabi ni bunso:) Mahihiluhin talaga ang bunso ko naka AC ang sasakyan pero nakabukas ang bintana niya kasi mahihilo daw siya kaya laging sa tabi ng bintana nakapwesto yan. Si ate niya medyo nasanay na aircon ang sasakyan hindi na siya nagrereklamo si bunso nalang talaga ang ayaw kasi gusto niya nakabukas ang bintana :) Blessed Tuesday Noise fam. Stay safe. #SnackTime

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.