Early Morning Incident! Isang mapagpalang umaga Noise fam! Kaybuti talaga ni Lord sa buhay namin sa Kanyang proteksyon sa araw na ito. Kaninang mag alas kwatro ng madaling araw ginising ako ng asawa ko dahil nagkakagulo na sa labas dahil may sunog. Paglabas ko ng bahay grabe na ang usok kinabahan talaga ako dahil ang lapit lang sa bahay namin. Nasa likod ng bahay ng katapat namin mabuti nalang nagising yung katapat namin dahil pumasok na ang usok sa bahay nila. Kaya ginising mga kapitbahay namin para tulong-tulong sa pagpatay ng apoy. Mabuti nalang din may laman yung malaking inflatable pool ng kapitbahay namin at yun na ginamit pangbuhos Kaya mabilis lang pagsalok kaysa mag-ipon pa ng tubig sa balde. Natataranta na rin ako ginising ko na yung dalawang anak ko at nagready na kami ng pwede naming dalhin na mga importanteng bagay lalo na nung lumaki ang apoy. Natagalan pa ang bombero tapos hindi kaagad nakapasok dahil ang daming sasakyan nakaparada sa kalsada. Dito kasi sa lugar namin dikit-dikit ang mga bahay kaya mahirap kapag may ganitong insidente ang daming madadamay. Walang tao daw yung pinagmulan ng bahay na nasunog kawawa naman pag-uwi ng may-ari wala na silang bahay, kaya dapat talaga naka off ang breaker kapag walang tao sa bahay. May nadamay na dalawang bahay na katabi nasunog ang kalahating bahay nila. Sabi nga nila, manakawan kana wag lang masunugan ang hirap talaga walang matira sayo. Hindi na pumasok asawa ko sa work niya napagod kabubuhat ng balde naramdaman nalang niya nung pagkatapos ng pangyayari. Mag isang oras din silang nagtutulungan para hindi lumaki ang apoy. Alas siyete pasok niya kaya umaalis siya dito sa bahay ng 5:30am, nagpaalam nalang siya sa head nila pinaalam ang insidente kaya hindi muna siya makapasok. Kapag may ganitong insidente importante talaga ang bayanihan kaya naagapan ang apoy dahil nagtutulungan ang lahat. Thank you Lord for your protection today and everyday. Stay safe po tayong lahat. God Bless!
8 comments
jusko katakot talaga yan sis buti naagapan agad nang bayanihan ang apoy sis buti hindi na kumalat ang sunog
Kaya nga sis sobrang kinabahan talaga ako kanina kaunti nalang kasi tuwawid na sa bahay namin. Salamat sa Diyos sa proteksyon.
Wow this is amazing view of the natural beauty and hes always attract have a special day
Hala sis nakakatakot namn po pag ganyan sabi nga ehh hidni baleng manakawan wag lang masunogan. Mabuti po at marami silang nagtulong tulong, keep safe po sis
Kaya nga sis ang hirap talaga...opo sis lahat nagtulong-tulong para maagapan ang apoy. Salamat sa Diyos sa proteksyon.
True sis kasi pag nakawan lang may bahay pa matira kaysa masunugan lahat talaga walang matira
salamat diyos at ligtas kayo at naapula din ang apoy tama kapag mag ganyang pangyayari pinaka mabisang paraan ay ang bayarihan, mabuti nalang talaga at nagising kapit bahay niyo naagapan ang sunog kawawa naman yung may ari ng bahay pag uwi nila wala na silang babalikan huhu pangalawang kita ko na ito na may nasunugan tapos wala din tao sa bahay ng pinag mulan ng sunog kaya nakakaawa wala na silang babalikan ang hirap pa naman kapag nasunugan ka hirap mag umpisa ulit.
Thank you Lord sa proteksyon niya sa bawat isa sa amin sis walang nasaktan Kawawa lang talaga ang nasunugan sobrang hirap mag umpisa uli sa simula :(