May naligaw na mini bus nakaparking dito sa tapat ng furniture shop ng mga biyenan ko. Ito ay byaheng Naic to bacoor daw sa Naic mo daw madalas makita ang ganitong bus sabi lang din ng biyenan kong babae :) Natuwa lang akong nakakita nito kaya kinuhaan ko ng litrato unang beses kong makakita ng ganitong sasakyan may design ng watawat natin at agila. Ang ganda lang tingnan :) Sobrang init na naman ngayong araw, minsan makulimlim pero ang alinsangan parin ramdam mo ang init ng panahon :) Siguro kung kanina pa nakasampay tuyo na mga labahan tanghali na kasi nag umpisa maglaba. Walang pagod maglaba dito sa mga biyenan ko automatic washing nila pero tamad parin hipag ko maglaba magsampay nalang ang gagawin biyenan ko parin ang naglaba hayahay talaga mga kapatid ng asawa ko mainis ka nalang sa katamaran puro online games inaatupag halos buong araw hawak ang selpon. Naawa naman ako sa biyenan ko kaya ako na naglaba kasi kapag may customer biyenan kong babae rin mag entertain. Ewan ko nalang dito sa mga hipag ko masyadong spoiled maiinis Ka nalang walang mga kusa kailangan pang utusan sa lahat ng bahay bago kumilos na dapat hindi na ganun dahil matatanda na sila Nanay parin gumagawa sa mga gawaing bahay nakakalungkot lang talaga ganitong klaseng anak at pagpapalaki sa kanila. Kaya kapag nandito ako hindi ko maiwasan talaga makapintas sinasabi ko nalang sa asawa ko pagsabihan mga kapatid niya. Gusto ko nga sanang sabihin sa biyenan ko na turuan naman mga anak sa gawaing bahay para hindi siya lahat pero baka magdamdam emotional din kasi biyenan kong babae mabilis magdamdam kahit totoo naman kaya manahimik nalang :)
3 comments
cute parang tourist jeep.
parang hindi makatarungan ang ginagawa ng mga hipag mo oo responsibilidad ng magulang na alagaan ang anak pero kapag nasa hustong gulang na dapat ay tulungan din ang magulang nila kahit sa simpleng gawaing bahay man lang, tama ka sis baka kapag pinagsabihan mo ee ikaw pa mapasama.
Hindi talaga tama sis sa edad na bente kwatro bunsong babae ng asawa ko walang alam talaga ewan ko nalang Kawawa ang asawa nito mainis Ka nalang sa mga pinapakitang ugali.