read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Home! Nakauwi na Kaming bahay galing Tagaytay hinatid kami ng mga biyenan ko kaninang umaga. Salamat sa Diyos sa paggabay at pag-iingat. Pagdating naglinis kaagad ang dumi at alikabok medyo matagal din bakasyon namin :) Ayaw pa sanang umuwi ng dalawang makulit pero may mga gagawin pa kasi na Performance task na hindi namin natapos. Sabi ko mahaba na ang bakasyon natin sa susunod na naman uli malapit na magbakasyon sa school balik nalang uli kaya hindi na nagrereklamo. Akala ko hindi na sasama ang pakiramdam ng dalawang anak ko dahil nakabukas mga bintana ng sasakyan pero sumuka parin. Mabuti nalang always ready ang plastic sa bag na dala ko. Ang hirap din talagang magbyahe ng mahihiluhin nakakaawa rin sila nanghihina nasa isang oras lang ang byahe at hindi na naka aircon ang sasakyan nahilo parin. Paano kaya mawala ang pagkamahiluhin sa biyahe baka may ideya o suggestions kayo noisemates :) Mapagpalang Miyerkules sa ating lahat. #SafeTravel #ThankYouLord

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.