Sweet Snacks ^_^ Pagkatapos magsawa kakalaro kahapon sa mall bago umuwi nagpabili na naman ng doughnuts sa daddy at dahil hindi marunong magtipid itong asawa ko bumili naman may extra naman daw sa baon niya :) Kaya itong doughnuts na isang box natira kahapon ang meryenda namin ngayon manghingi lang akong isa :) ang tatakaw kasi ng dalawang anak ko nito pero nakakatuwa naman magana silang kumain paborito kasi nila :) Nakapagmeryenda naba ang lahat? Makulimlim na ngayon kanina ang tindi ng sikat ng araw sana bumuhos ang ulan sobrang alinsangan kasi ng panahon. Stay safe Noise fam paiba-iba ang weather wag kalimutan ang payong kapag umalis ng bahay ang hirap magkasakit.
9 comments
favorite ko din yan sis kahit di na ako bata hahaha kids ko din matakaw sa ganyan..
Lahat yata ng bata sis paborito ang donut :)
Ang daming doughnuts niyan ka-noise! Talagang tiyak na fully satisfied ang mga anak mo sa snack nila.
Oo nga kanoise dalawang araw na meryenda nila kaya tuwang-tuwa sila.
wow sarap. so miss ko na yan
Ang saya nila may donuts..hanggang ngayon may panmeryenda parin.
Sa kanilang dalawa lang kasi sis tikim lang kaming mag asawa kaya hindi naubos ang dalawang box ng donut :)
Happy na naman sila friend ehehe.. Parehas ng asawa ko, hindiarunong magtipid..pag lumalabas kame, yung budget plan ko nasisira ehehe
Same pala tayo ng asawa sis hehe na out of budget nga ako sa mga snacks na binibili :)