Meryenda! Malamig ang panahon ngayon kaya masarap kumain ng mga may sabaw lalo na nitong lugaw. Tuwing hapon umuulan na dito sa amin umpisa pa nakaraang araw pero sa umaga ang tindi ng sikat ng araw pagdating ng tanghali o hapon uulan. Mas malakas ang ulan kahapon kaysa ngayon mahina lang pero tuloy-tuloy. Nagustuhan din ng dalawang dalaga ko ang lugaw na meryenda with egg lang sa kanila. Itong sa amin mag-asawa may bagnet kaya mas mahal. Galing kasi si mister ng LTO nag inquire balak niya kasing magparenew ng driver's license niya. Kaya pag-uwi bumili na nitong meryenda namin. Maulan na hapon Noise fam. Mag-ingat po tayong lahat. God Bless!
5 comments
mainit dito sis, kaya cold drinks ang meryenda ko hahaha
Masarap talaga magsoftdrinks ng malamig kapag mainit ang panahon sis :) diyo sa amin hinndi maintindihan sobrang init sa umaga tapos pagdating ng hapon uulan.
Wow parehas po pala tayu sis kami po bnigyan lang ehh Tama po maaga po Ang tag ulan natin
ang sarap niyan sis perfect yung may bagnet hehehe saktong sakto sa panahon ngayon malamig dito kasi umulan maghapon malakas kaya nakatulog din kami ng mga bata kaya nagluto din ako may sabaw noodles with egg hehe.
Kaya nga sis ito masarap kainin kapag malamig ang panahon mas masarap sana kung may chili sauce nakalimutan palagyan ng asawa ko :)