read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Langka Sarap! Matagal ko ng gusto kumain nito sa wakas natikman uli :) Nagbigay yung asawa ng hipag ko bumili kasi siya ng isang buong langka nakaraang araw pero hindi hinog nabili niya. Kaya sayang lang wala kasing bango halos halikan ko na sa kakaamoy kahapon wala man lang akong naamoy na mabango haha. Akala niya daw kasi hinog na dahil malambot natawa nalang ako hàha sabi ko malalaman mo kapag hinog na ang langka dahil malayo kapa naaamoy mo na :) Ewan ko lang kung mahihinog pa kaya ito. Kaya kanina bumili siyang bago hinog na hinog na talaga malayo pa lang siya naaamoy na namin dala niyang langka. Ayaw ko ng paabutin ng bukas matagal na akong nagcrave nito kaya sulitin hehe. Sabi nga ng biyenan ko kaunti lang ipakain sa mga anak ko pinatikim ko rin kasi nasarapan din sila matamis daw kaya masarap. Matagal daw kasi matunaw sa tiyan ang langka tapos gabi na :) Pero ako madami-daming kinain mamaya pa naman ako matulog, ang hirap pigilin na wag kumain haha. Blessed evening Noise fam. Stay safe to all and God Bless!

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.