read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Happy Swimming! Ang saya lang nila basta swimming ang ganap :) Pagkauwi namin galing church nagyaya na kaagad magswimming sila. Sobrang init kanina ngayon makulimlim na parang uulan na naman mabuti nakatuyo na nilabhan ko kahapon. Ganitong oras din bumuhos ang malakas na ulan kahapon. Kahapon pa silang dalawa nagyaya na maligo sa inflatable pool nila. Kaya lang laba day ko kahapon kaya ngayong araw nalang. Basta may pangako ka sa kanila tinatandaan naniningil talaga ulit-ulitin pang sabihin sayo para hindi makalimutan haha. Super enjoy lang sila sa paliligo kung pwede nga lang araw-arawin ang swimming hindi nagsasawa mga 'to :) Pero hindi pwede ang mahal kaya ng tubig okay na yung once or twice a month :) Happy and Blessed Sunday Noise fam. Enjoy your weekend and stay safe. God Bless us all!

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.