Isang mapagpalang gabi sa lahat :) Kumusta ang inyong selebrasyon ng Mother's Day? Kami naman ay namasyal sa park nag horse riding at ikot-ikot lang sa Picnic Grove. Nakaraang linggo namasyal rin kami dito kaya sabi ko sa iba naman pero dito nalang daw dahil gusto din ng mga anak ko sumakay sa horse :) Pagkatapos ng horse riding namin ay nagpapicture kaming mag-ina sa nadaanan na kabayo sa halagang bente pesos pwede ka ng magpakuha ng litrato :) Ngayong araw ay selebrasyon sa lahat ng dakilang ina. Ako'y nagpapasalamat sa aking ina sa lahat ng sakripisyo niya para sa aming magkakapatid. Hindi biro mag-alaga ng walong anak. Sa akin dalawa lang nahirapan na ako dahil wala rin akong katulong mag alaga kapag nasa work asawa ko. Lalo na nung maliliit pa sila at isang taon lang mahigit ang agwat nila nahirapan talaga ako lalo na kapag sabay silang magkasakit umiiyak na rin ako kapag ayaw nilang tumigil sa pag-iyak. Sa pagbubuntis pa lang sa panganay ko nahihirapan na ako mataas ang dugo ko kapag pre-natal lagi akong naiiwan kasi pinapainom ako ng gamot para bumaba ang dugo at pinapahinga para macheck uli. Nag iingat naman ako sa kinakain ko at exercise rin high blood parin ako. Grabe din ang manas ko ang lalaki na ng paa ko. Walong buwan pa lang pinanganak ko na ang panganay ko dahil pumutok na panubigan ko excited lumabas ang ate :) Kaya kailangan na niyang mailabas at dahil high blood, caesarian ako sa panganay ko nakakaawa talaga hitsura niya sobrang liit 2.1 kilos lang siya kaya na incubate siya ng dalawang araw dahil kulang siya ng 3weeks. Praise God dahil lumaki siyang healthy sobrang iyakin lang talaga nung baby pa siya puyat ako lagi :) Si bunso naman lumabas siya sa tamang buwan hindi ako nahirapan nung pagbubuntis sa kanya. Ang laki nga niya 3.5 kilos nung pinanganak ko samantalang ate niya dalawang kilo lang mahigit. Normal ang bp ko kay bunso never akong nahigh blood sa panganay lang talaga ako mataas ang BP dahil siguro stress ako sa pasaway nilang tatay noon mabuti nalang nagbago na :) Dahil CS ako sa panganay ko caesarian din Kay bunso dapat pagkatapos ng tatlong taon pa sundan para pwedeng normal delivery na. Ngayon ang kukulit na pero mababait at malalambing sila lalo na sa akin :) Sobrang blessed at nakakaproud bilang ina. To God be all the glory sa biyayang binigay Niya sa akin. Sila ang aking kayamanan :) Pasensya na kayo napakwento ako minsan lang naman kaya pagbigyan nyo na :D Happy and Blessed Mother's Day uli sa lahat ng Dakilang ina. God Bless!
4 comments
happy mothersday sissy,walang makakpantay sa pag aaruga nang isang ina..kaya laban lang tayu sa buhay
Happy Mother's Day din sissy late greetings na :) hindi talaga madaling maging ina pero salamat sa Diyos dahil tayo'y naging ina. Ang mga anak ang ating Kayamanan.
Wow namn po sis mapapa sana all nalang ako sanyo po diyan talagang enjoy na enjoy Ang mga bata ohh at happy mother's day po Sanyo
Opo sis talagang nag enjoy nag dalawang anak ko sa horse riding :)