Gutom na naman sila :) halos katatapos lang namin kumain tapos naghahanap na kaagad ng meryenda kaya mas gusto nila dito Kay Lola kasi kung anong gusto ibibili kaagad ng Lola. Sa bahay bihira lang sila makainom ng juice o softdrinks dito araw-araw spoiled sa Lola bigay kaagad ang gusto nila. Ang sabi naman ng Lola pagbigyan na raw ang gusto ng mga bata minsan lang daw makabakasyon dito. Sinabihan ko nalang mga anak ko sige magsawa dahil bukas uwi na kami sa bahay :) sa bahay ang gusto ko ang masusunod kapag sinabing hindi pwede, No talaga wag ng kumontra :D Dito kasi, sa Lola nagsasabi ng gusto nila dahil alam nilang hindi kokontra sa isang araw minsan dalawang mismo ng softdrinks nauubos o kaya juice alam kasi nilang kapag sa akin sinabi hindi ako papayag okay lang kung yakult hanggang dalawa lang sa isang araw, sabi ko tubig nalang ng tubig pero malakas din naman sila sa tubig. Natapos na silang kumain patulugin ko na mamaya ang init rin ng panahon dito kaya matagal rin daw silang makatulog dahil maalinsangan nagdadahilan na naman ayaw lang talaga matulog :)
2 comments
At least madalang lang naman friend at para hindi ka magmukhang kalaban, hayaan nang mag njoy ehehe...infairness ang tagal ng bakasyon nila
Oo nga sis pagbigyan nalang sila kapag nandito Lang naman daw :)