read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Blessed Saturday Noise fam! Ang tindi ng sikat ni haring araw ngayon. Maganda sana kung nakapagsampay na siguradong makakatuyo kaagad. Kaya lang tanghali na nagising, kaya tanghali na rin nakapag umpisa paglaba at makapag almusal. Ang balita pa naman uulan mamayang hapon sana wag matuloy tiyak mamayang hapon na ako matapos nito :) May naglalakong puto balanghoy at binangkal kaya napabili medyo matagal ng hindi ako nakatikim nito. Mainit init pa din ang puto balanghoy kaya natatakam ako kaya lang dissapointed nung natikman ko hindi masarap :) Pero thankful parin sa blessings binigay ni Lord maliit man o malaki dapat nating ipagsalamat. May Saturday Bible school ang dalawang dalaga ko kaya tahimik ngayon work from home rin ang asawa ko. Kaya habang nagpapaikot sa labahin kumakain din ng almusal at nagkakaroon rin ng oras dito :) Mag-iingat po tayong lahat.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.