read.cash Log in

@ruby0622

Joined 22 September 2022 · 495 posts

Mother of two adorable girls

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@ruby0622

Blessed New Year 2023 Napakasaya ng new year ng girls ko rich na daw sila hahaha madami daw silang natanggap na pamasko πŸ˜… Every new year sama-sama kasi ang relatives ng biyenan kong babae at may mga palaro at namimigay ng cash na pamasko ang mg tiyuhin at tiyahin ng husband ko. Ginanap ang new year namin sa isang resort sa Tagaytay at dun na rin nag overnight kinabukasan na kami umuwi. Hindi namin nakasama si mister dahil may pasok parin siya kahit bagong taon pero work from home lang naman kaya okay na rin hindi lang namin siya nakasama sa celebration dahil wala naman maayos internet connection sa resort. Alas kwatro ng hapon nandun na kami sa venue kaya nakapagswimming pa ang dalawang girls ko kasama ang pinsan nila. Kahit malamig ang panahon hindi magpapapigil sa swimming kaya pinagbigyan ko pero isang oras lang ayaw pumayag ng 30 mins lang πŸ˜… How's everyone, it's been a long time akong hindi nakabisita dito. Hope you have all a blessed and happy new year! #NewYear2023 #TagaytayManhansResort #Pilipinas

+1 more

@ruby0622

Church Christmas Party Games (12.18.22) Ito ay ganap nakaraang linggo pa sa church Christmas party. Ang saya lang dahil nakasandok akong worth 750pesos 😍 Sobrang tuwa ko talaga nung pagtanggal ng blindfold sa prize na natanggap ko haha. Isang gift card worth 500 pesos at 250 pesos na cash may kasama pang dalawang Milo ang nasandok ko hehe ang galing talaga ni Lord. Sobrang thankful and blessed sa biyayang natanggap. Kaya may pandagdag na akong panggrocery bukas para sa pasko 😁 Kumusta kayong lahat? nakaready naba ang handa para sa pasko πŸ˜„ Ilang tulog nalang pasko na at malapit na matapos ang taon 2022. Hoping umaapaw na pagpapala ang susunod na taon para sa ating lahat :)

@ruby0622

Yesterday and Today's Events 😍 Kahapon Saturday ay Christmas party ng mga kids sa church may special number sila kaya twinnie ang girls ko πŸ˜… (first and second photo) kailangan daw army green ang kulay na susuotin dahil Armor of God ang kanilang sasayawin. Sobrang nag enjoy ang mga kids sa games lalo na prizes haha ang daming chocolates natanggap πŸ˜… Sa third and fourth picture Christmas party naman ng lahat sa church kaninang umaga until 2pm. Sobrang enjoy dahil maraming games din bumalik lang kami pagkabata haha. Pati mga kiddos sobrang enjoy sa games syempre habol ay ang premyo na matatanggap nila haha. Nalungkot mga girls ko walang nasandok na pera o kahit ano (fourth pic) haha. Ang hirap din naman kasi dumudulas lang sa sandok πŸ˜‚ Pagkatapos naman ng Christmas party sa church pahinga lang saglit dahil 2pm dadalo naman ng birthday party sa Mcdo ang celebration. Kaya sobrang enjoy at pagod today ang girls ko daming laro haha. Mas nag enjoy sila sa games sa Mcdo nanalo kasi sila haha. At may pabaon pa na happy meal kaya sobrang saya may bagong toys na naman sila :) Simple lang kaligayahan nila πŸ˜… Kumusta na kayong lahat?Busy month talaga ang December daming events na ganap :) Blessed Sunday to all noisemates friends 😊 #SaturdayChildrenChristmasParty #SundayChurchChristmasParty #McdoBirthdayCelebration

+2 more

@ruby0622

Malling after Christmas Party Nagyaya ang dalawang girls ko na pasyal daw kami sa mall after Christmas party nila. Sobrang abala ngayong araw, naglaba ako kaninang umaga pinaikot na ni mister sa washing machine habang nakaduty siya work from home. Sabi ko maaga akong gigising para matapos ang labahan ng 8am pero alas siyete na ako nagising haha. Alas nuwebe kasi ang Christmas party ng panganay ko hanggang alas dose samantalang bunso ko ay 10am-2pm. Kaya nauna kong hinatid ang eldest ko pagbalik ko galing maghatid inayusan naman ang bunso. Pagkahatid ko kay bunso sa school tinapos ko ang aking labahin dahil magsusundo naman sa panganay ko ng alas dose mabuti natapos ako ng onse pa lang. Pagkasundo ko Kay eldest ng 12noon hinintay na namin si bunso hanggang 1:30pm tamad na akong bumalik kaya hintayin nalang hehe. Pag uwi naman galing Christmas party nila nagpunta kaming mall grabe ang trapik din kaya ang tagal nakarating kahit medyo malapit lang. Naglaro sa arcade ang girls ko tapos ikot-ikot naπŸ˜„ nagmeryenda pagkatapos mag-ikot nagutom haha. Nakauwi kami dito sa bahay ng 6:30pm ang trapik din pauwi lahat yata nasa galaan mga tao kaya ang trapik at ang daming tao rin sa mall πŸ˜… Kumusta kayo noise app fam ang tagal ko rin nagpahinga o nanahimik dito marami lang talagang pinagkakaabalahan sa buhay πŸ˜… ilang tulog nalang pasko na kaya lalong busy ang karamihan sa atin 😁 Happy and Blessed Friday everyone!

@ruby0622

Christmas Party Sandal/Exchange Gifts Sobrang busy buong araw, Kaya ngayong gabi lang nakadotdot haha. Pagkahatid kaninang umaga sa school ang mga bata nagpunta kami ni mister sa Unitop para bumili ng sandal ni bunso sa kanilang Christmas party at pang-exchange gift nila. Ang panganay ko may sandal ng nabili nung huli namin punta sa Unitop napost ko rin dito before ganito rin siya kulay pink lang na ma-glitters siya. Ganun din sana ang bilhin ko kay bunso kulay silver lang pero naubos na pala kaya ito nalang (second photo) maganda rin naman bagay kahit anong kulay ng damit :) Ito ang nabili ni mister na pang exchange gift ng girls namin. Siya na pinabili ko dahil busy ako kakapili ng sandal ni bunso at damit na susuotin sa Christmas party sa church. Sinabi ko nalang ang amount sa exchange gifts nila. Ang hirap din kasing mamili na magustuhan ng bata ang ibibigay πŸ˜„ Si bunso halagang 100 pesos at ang 150 pesos ang exchange gift amount. Sabi ko kay mister lagyan nalang din namin ng bente pesos na cash yung bagong bente para matuwa ang bata na makatanggap may pambili siyang kendi πŸ˜‚ Late pa pagsundo sa mga estudyante kanina trapik kasi kaya napagalitan ako ng dalawa, why it take so long daw hahaha. Pag uwi galing magsundo naglalaba naman sa mga uniform nila dahil wala ng maisuot bukas buhay nanay nga naman πŸ˜… Happy and Blessed Tuesday!

@ruby0622

Fluff vitamins/first Deworm Kaninang uwian sa school dinala sa clinic ang pet namin na si Fluff, gusto kasi nilang sumama sa daddy nila pagpunta sa veterinary clinic, para magpadeworm. Ito ang unang beses ng deworming ni Fluff :) Hindi na ako sumama sa kanila dahil marami rin akong tinatapos na gagawin Kaya walang picture sa loob ng clinic 😁 Ang gastos pala ng may pet haha wala akong magawa kasi gusto ng mag-aama ko lalo na ang bunso kong napakahilig sa pusa πŸ˜… Itong si Fluff kitty na ang bunso namin sa pamilya haha. Ayaw ng bunso kong anak na magkaroon ng kapatid kasi hindi na raw siya ang bunso, pero pumapayag siya na itong si Fluff ang bunso namin at tinatawag pa niya na bunso sa tuwing hinahanap niya πŸ˜‚ Binigyan siya ng vitamins at gamot sa tainga dahil may ear mites daw yun ang sabi ng vet doctor. Ang akala ko Persian ang father ng pet namin Himalayan pala ang gulo kausap ni mister ko haha, ang mother lang niya ang Siamese. Nadagdagan ngayon ang bibilhan ko ng vitamins hindi lang ang girls ko πŸ˜… Happy and Blessed Monday everyone! #FluffKittyVitamins #MyKidsPet

@ruby0622

Fluff Sleepy kitty πŸ˜„ Dahil malamig ang panahon, gustong gusto rin ng kitten namin matulog haha. Pansin ko lang hindi siya maharot kapag malamig ang weather behave lang siya sa isang tabi at tulog haha. Walang kamalay-malay ang mister ko kinuhaan ko sila ng picture busy kakalaro hindi ko lang sinama mukha ni mister baka magalit kapag post ko dito haha. Hindi naman talaga siya ang bida kundi ang cute kitten na'to πŸ˜… Ang hilig ni fluff tumabi sa mister ko kapag nakahiga ito, niloloko ko nga si mister sabi ko para ka kasing bed kaya gusto niyang tumabi o mahiga sayo hahaha. Tumawa lang siya, alam niya kasing totoo sinabi koπŸ˜‚ Ganyan lang talaga ako maglambing sa mister ko inaasar ko palagi haha. Maulan na gabi ngayon hindi talaga nakatuyo ng nilabhan ko nakaraang araw, umpisa pa kahapon paulan ulan. Stay safe ang lahat.

@ruby0622

Star Scout/Girl Scout Orientation Halos kakauwi lang namin medyo natagalan ang uwi ng mga estudyante ko dahil may Orientation pa si bunso sa Star Scout. Kapag grade 1-3 Star Scout pala ang tawag, ang grade 4-6 ay Girl Scout daw ngayon ko lang nalaman πŸ˜„ at si bunso ko na belong sa star scout dahil grade 3 pa siya. Sayang lang ang ate niya hindi nakasali sa scout hindi kasi nag announce adviser niya sa GC kaya akala ko hindi sila kasali sa lahat pala yun haha nainggit tuloy sa bunso. Naiinip maghintay kay bunso matapos ang orientation gusto ng umuwi ayaw ko na kasing pabalik balik kaya hinintay nalang namin matapos mabuti pinapasok ako ng guard sa school bawal kasi ang parents pumasok :) Kaya nakuhaan ko ng picture sila bunso. Naglakad lang kami pauwi at napadaan sa tindahan may pinabiling snacks kaya natagalan pag uwi :) Maganda rin maglakad dahil hindi mainit ang weather. Maulan kaninang umaga ngayon makulimlim nalang. Blessed Friday everyone. Here comes the weekend again :) Stay safe and enjoy ang lahat😊

@ruby0622

Jobee for Lunch Nakapasyal ang aking mga biyenan kaninang umaga at naisipan na dito maglunch sa bahay. Paalis na kami ng mga bata papuntang school kanina sila dumating Kaya saglit lang nakasama ang Lolo at Lola. Bumili nalang sa jobee ng aming pananghalian para hindi na raw ako magluto mamayang gabi nalang :) Nag iwan nalang din ang Lola ng pangjobee sa mga apo ibili ko raw ng snacks pagdating. Kaya mamayang uwian pagsundo ko dadaan Kami sa jobee katabi lang kasi ng school nila si malaking bubuyog hehe. May pasobra ang binigay ng biyenan kong babae para na rin daw sa Christmas party ng mga apo kaya nagbigay ng kulay blue na papel. Apakaspoiled talaga mga apo sa Lola nila haha. May pambili pa akong damit sa Christmas party nila nagrequest panganay ko something red at green daw dress niya na gusto suotin haha. Sabi ko kulay red nalang na dress, ang bunso ko ayaw talaga ng dress leggings lang daw siya 😁 sapilitan talaga bunso mo pasuotin ng dress haha. Happy and Blessed Wednesday Noise fam! Always spread love and happiness to everyone.

@ruby0622

Import Content from Noise.cash May natanggap na akong email from Noise to import my content from noise.cash nung Saturday pa pala yun, ngayon ko lang nabasa sa daming pinagkakaabalahan haha. Na import ko na rin ang content ko sa kabilang bahay, siguro karamihan nakapag import na rin sa kanilang content. Nakaisang taon rin akong nag ingay sa kabilang tahanan na ngayon ay mawawala na. Sobrang thankful and blessed sa platform naging blessing sa atin may napagkukunan tayo sa oras ng pangangailangan o kagipitan 😁 Kumusta kayo mga mates?sobrang busy lang talaga daming pinagkakaabalahan siguro lahat naman tayo ganun hehe. Have a blessed Monday everyone! #DoneImporting #Pilipinas

@ruby0622

Our baby Fluffy πŸ˜„ Nakakatuwa na minsan maiinis ka rin dito sa alagang pet namin na si Fluff 😁 Parang may baby talaga ako dito sa bahay ang kulit niya. Ang Christmas tree namin inaakyatan niya Kaya naglaglagan na lahat ng nakasabit haha pinaglalaruan niya mga Christmas balls na nalaglag. Ayaw ko ng ayusin ganun din naman guguluhin ng makulit πŸ˜… Kung saan saan nalang siya umaakyat kaya naglaglagan mga nakadisplay :) Ang harot masyado lalo na sa gabi gising siya manggugulo sa aming higaan pinaglalaruan buhok namin πŸ˜„ Yung matutulog kana gusto pa makipaglaro sayo haha. Kapag umaga tulog naman siya tapos gising siya ng hapon. Alam niya uwian sa school ng girls ko nagigising siya siguro dahil maingay na uli ang bahay πŸ˜… Ang ganda ng higaan niya sa ibabaw talaga ng tablet hahaha. Happy and blessed weekend to us! #MyKidsPet #Pilipinas

@ruby0622

Happy December 1st 😊 Pa-Throwback muna :) Ito yung time nagbakasyon kami ng mga anak ko sa probinsya nakaraang December doon kami nagpasko at bagong taon. Nagkasundo kaming magkakapatid na umuwi dahil kaarawan ng mama namin ng December 21 ang bunsong kapatid lang namin ang hindi nakauwi, kaya pito lang kami hehe walo kaming magkakapatid masaya raw kapag marami haha. Ang bilis talaga ng araw mag isang taon na pala itong bakasyon namin. Ang saya na malungkot para kay bunso itong swimming namin dito nasugat kasi siya sa talaba. Ang saya pa ng papunta dito sa dagat dahil nakasakay sila sa bangka hehe. Mabuti pauwi na kami bago nasugatan si bunso nag enjoy muna siya haha. Kaya ayaw na talagang bumalik ni bunso sa dagat na'to haha doon lang daw kami magswimming sa walang mangrove haha. Ang purpose kaya dito kami nagswimming para manguha ng shells naglalabasan kasi sila pagkatapos ng bagyong odette na dumaan dahil sa baha. Ang saya parin ng bakasyon namin mahigit isang buwan din kami sa probinsya daming adventure mga kiddos halos everyday swimming hahaha. Kahit walang kuryente ang bakasyon namin mahigit isang buwan sobrang enjoy parin mga kiddos sama-sama silang magpipinsan 😁 Hoping soon makapagbakasyon uli pero ayaw ko ng umuwi ng pasko hindi makagala palaging naulan hehe. Blessed Christmas month to us 😊

+1 more

@ruby0622

Shareit Prediction Kagabi naisipan kong sumali sa Shareit Prediction Kung sinong team mananalo sa football game. Dahil si mister laging nanonood ng game na'to kaya tinanong ko siya kung anong team sa tingin niya ang mananalo at sinabi niya Netherlands 😁 ang saya lang dahil nanalo sa first time kong pagsali haha. Mababaw lang talaga kaligayahan ko kahit maliit lang na halaga yan nadagdag sa load ko sa shareit πŸ˜… Nakakatuwa lang dahil nanalo ka πŸ˜„ balak kong sumali uli ngayon kaya tinanong ko si mister ang prediction niya ay Denmark daw mananalo hoping tama uli para madagdagan ang load 😁 Sobrang busy talaga buong araw kaya ngayon lang nakasilip naglaba dami kaninang umaga, pagsapit ng hapon dumating naman mga biyenan ko kaya hindi talaga nakahawak ng selpon. Bukas ng umaga uuwi mga biyenan ko kaya bawi nalang bukas magdotdot πŸ˜…

@ruby0622

Kids Movie Marathon Late na ang aming meryenda, masarap ang fish ball nabili ni mister malasa na. Isang kilo 100pesos bili niya, kalahati na agad ang naluto ni mister na fish ball ang sarap Kasi papakin habang nanonood tapos may ice cream pa ito yung binili namin nung naggrocery :) May friend din kasi mga anak ko nandito kasamang nanood ng movie kaya kulang ang ice cream πŸ˜… Dahil holiday walang pasok kaya nagmovie marathon mga estudyante ko hehe. Sinong nakapanood nitong The Good Dinosaur maalala ko noon 4 years panganay ko at tatlong taon naman si bunso nakailang ulit nila itong panoorin sa isang araw. Sa USB lang sila nanonood noon nagsi-save daddy nila ng cartoon movies dahil wala pa kaming internet connection 😁 Ang ganda rin ng movie na'to nakakaiyak ang part na'to, halos kabisado ko noon mga sinasabi ng bida na si Arlo ilang beses ba naman panoorin sa isang araw tapos everyday panoorin hahaha. Pahinga mga estudyante at tayong nanay bukas dahil walang pasok. Pahinga lang ako sa paghatid sundo dahil ang tambak na labahin ko naman ang aatupagin bukas πŸ˜… samantalahin walang pasok mga estudyante. Sobrang busy sa araw na'to daming ganap may pinapaasikaso din kasi ang biyenan kong babae. Kumusta maghapon nyo? Mapagpalang gabi Noise app fam 😊

@ruby0622

Welcome to your New Home Fluff 😁 Sobrang tuwa ng mga anak ko, kaninang pag uwi galing sa school may surprise ang daddy nila na bagong alagang kitten. Ang bunso ko ang nagbigay ng pangalan na Fluff dahil fluffy daw siya haha. Nasa 2 months mahigit na daw ang Siamese kitten na'to:) Ang alaga kasi nilang pusa dati na si Owen ay nasa kapitbahay na nakatira ayaw ng ibigay kaya nalulungkot mga anak ko lalo na si bunso dahil wala na silang pet. Ang hihilig talaga nila sa pusa. Naawa naman ang daddy nila kaya naghahanap ng mabibilhan na kitten, sabi ko nga kay mister maghanap nalang siya ng ligaw na pusa at yun nalang ampunin hahaha. May nakita akong post ni sis @Janrich akala ko binibenta dahil yun nalang bilhin namin hindi pala hehe sobrang cute kasi ng kitten niya at ang lusog hehe. May matatawag na talagang sariling kitten ang dalawang dalaga ko kaya sobrang tuwa nila. Parang may bagong baby kami nito dagdag budget at dagdag din sa aalagaan ko haha. Isipin ko nalang happy naman nga kiddos ko kaya happy na rin ako πŸ˜„ nakakatuwa rin may alagang pet nakakatanggal ng stress :) Maambon ambon na hapon ngayon, stay safe ang lahat. Happy and blessed Monday everyone! #MyKidsNewPet #SiameseKitten

@ruby0622

My Homemade Chicken Nuggets Isang mapagpalang umaga Noise app fam! Monday again, umpisa uli ng araw ng mga estudyante at mga nanay maghatid sundo sa school. Gumawa akong chicken nuggets pambaon ng mga estudyante ko. Naisip ko mas makatipid kung ako nalang gagawa ng nuggets pambaon kaysa bibili. Nung naggrocery kami nakaraan, isang maliit na pack lang nabili dahil wala yung flavor na gusto ng mga anak ko. Kaya ito naisipan na ako nalang gagawa tipid pa, gusto rin naman nila chicken nuggets na gawa ko 😁 Bumili lang akong chicken breast fillet binabad sa kalamansi, asin at paminta pagkatapos nilagyan ng breading mix. Ibabad naman sa binateng itlog at i-coat sa bread crumbs. Ito ang baon ng mga estudyante ko ngayon aabot siguro ito ng tatlo o apat araw na baunan dinamihan ko paggawa ilagay lang sa freezer :) Malapit na ang oras maghahatid sa mga estudyante ko asikasuhin ko muna baon nila at gamit nila. Balikan ko kayo mamaya :) #KidsLunch #Pilipinas

@ruby0622

Blessed Sunday! Bago umalis kaninang umaga puntang church picture muna mga dalaga ko. Ang pangit talaga kabonding nitong bunso basta picture taking na, ayaw magcooperate haha. Ang ate lang talaga masaya pagdating sa posing posing hahaha itong bunso ko sapilitan talaga siya πŸ˜‚ kailangin pang bolahin ng husto mapangiti lang siya hahaha. Kaso diyan sa picture hindi talaga nagpabola kaya ganyan ngiti niya πŸ˜… Nakisali na ako sa selfie pagbigyan nyo na minsan lang makisali ang mukha na yan hahaha. Nasa church na kami niyan hindi pa nagsimula ang Sunday worship trip kong magselfie pero itong bunso ko walang katrip-trip talagaπŸ˜… lahat ng selfie namin ganyan ayaw talaga ngumiti haha. Sabi ko ang ganda ng ngiti namin ng ate niya tapos siya simangot mode lang natawa nalang din siya sa hitsura niya πŸ˜‚ Enjoy your Sunday Noise app fam. Stay happy and blessed! #SundaySelfie #Pilipinas

@ruby0622

Saturday Bible Class Ito ang kaganapan kaninang umaga sa church, may activity pinagawa ang titser. Pinakulayan ang mga armor of God(Ephesians 6:14-17) na drawing at pagkatapos gugupitin ikabit sa katawan ng tao na kinulayan din nila :) Sobrang nag enjoy mga bata sa activity pagandahan ng kulay hehe. Pagkatapos ng klase, tuwang tuwa din sa kanilang meryenda may tinapay, hotdog at itlog ng pugo kinulang pa sa kanila ang serving kaya nanghingi pa haha. Natapos ng alas onse ang Bible class, at bumili ako ng lulutuin nagrequest mga anak ko tinolang manok daw, mas mura ang papaya kaysa sayote Kaya dun ako sa mas mura hehe mas gusto ko rin papaya itong asawa ko lang mas gusto sayote pero dahil ako magluluto kaya ako ang masusunod hahaha. At syempre mas masarap ang tinolang manok kapag may malunggay sayang namatay ang tanim ko na tanglad pambango din sana yun sa tinola. Natagalan ako maghimay ng malunggay halos isa isahin ko kasi pagtanggal sa tangkay niya maarte lang haha. Nakakain naba ang lahat? Enjoy your weekend noise app fam 😊 #KidsBibleClass #LunchTime #Pilipinas

+1 more

@ruby0622

Pancake requested by bunso 😁 Blessed morning noise app fam! Nagrequest ang aking bunso ng pancake for breakfast, nagsawa na siguro sa itlog everyday haha. Ang aga pa nagising samantalang ang ate niya naghihilik pa 😁 Maaga rin akong nagising dahil maaga natulog kagabi ang sakit ng ulo ko kasi kaya hindi muna naggadyet at nagpahinga ng maaga. Thank you Lord, paggising maayos na ang pakiramdam ko, tulog lang pala ng maaga ang kailangan :) May Bible class mga anak ko mamayang alas nuwebe kaya aga gising ni bunso ayaw daw niya ma late hehe. Tuwang tuwa naman paggising niya nagluluto ako ng request niya na pancake. Ito maagang nanood bunso ko habang kumakain, nanood ng Bible stories. Ang bilis weekend na kaagad mabuti nakapaglaba ako nakaraang araw kaya pahinga sa labahin today :) Blessed Saturday everyone and enjoy 😊

@ruby0622

Grocery day! Pagkahatid sa mga bata kaninang alas diyes sa school ay diretso na kami ni mister sa Robinson supermarket para maggrocery sa isang kinsenas namin na budget. Mas mabuti ng may mga stock para hindi na pabili bili sa tindahan lalo na mga snacks ng mga bata. Akala mo ang daming nabili halos mga de lata at noodles lang mga yan haha at saka frozen goods. At mga biskwit o meryenda ng mga estudyante ko :) Tiyak happy na naman mga anak ko nito dami nilang pagkain na stock sana lang umabot hanggang sahuran uli may ice cream pang binili daddy nila buy one take one nakaraang araw pa kasi si bunso nagrequest ng ice cream :) Maulan kaninang umaga, mabuti maaraw na ngayon susundo na ako sa mga estudyante ko. Mamaya nalang ako magbabalik ng puso sa inyo 😊 Happy and Blessed Friday everyone!

@ruby0622

Yesterday at the Mall Nakabisita ang Lola at Lolo kahapon ng hapon kaya nung uwian sa school ang mga apo ng alas dos ng hapon ay diretso na sa mall. Nakapangako kasi ang Lola na bibisita sila. Kaya masaya ang mga dalaga ko nakapagmall uli, nagpicture taking lang saglit at kumain na ng meryenda. Gusto pa sanang mag arcade ng mga bata pagkatapos kumain kaya lang nagmamadali mga biyenan ko uuwi raw kaagad silang Tagaytay. Nahirapan magdrive ang biyenan kong lalaki kapag naabutan sila ng dilim sa daan. Kaya medyo sad ang mga batang makulit hindi nakapaglaro may kukunin kasi sa bahay mga biyenan ko kaya kailangan na naming umuwi din:) Kumusta kayo, masaya ba ang lahat ? Be happy lang and smile always 😁 Have a great and blessed Thursday!

@ruby0622

Watching Football while doing household chores Kumusta kayo noise app fam?ang tagal kong walang paramdam haha nabusy sa buhay buhay. Nung linggo kasi nagpahinga buong araw walang gagdet nagmovie marathon lang kaming pamilya. Bumawi naman kahapon sobrang pagod buong araw din naglinis sa may bodega ng bahay ang dami kasing bubuwit na patakbo takbo feel at home masyado kaya naisipan kong mag operation linis dahil day off ni mister may katulong ako😁 Ngayon ito haharapin ko naman ang aking tutupiin nung Friday pa ito na nilabhan ko ngayon lang sinipag magtupi πŸ˜… Si mister nanonood ng football kaya napapanood ko na rin katatapos lang ng pinanood niyang game, tie ang USA at Wales replay na ito kagabi na laro😊 Nasa school mga estudyante ko tahimik kami dito sa bahay si mister na magluluto ng lunch kapag day off siya incharge pagluluto 😁 Happy Tuesday everyone!

@ruby0622

PTC/Parents Teachers Conference Ito yung ganap kaninang umaga, nagmeeting ako kay bunso at si mister naman sa panganay namin. Tumagal rin ang meeting ng isa at kalahating oras (9:30-11am) last part ay bigayan ng temporary card. Sobrang happy at proud mom here, mataas ang grades ni bunso ang sabi ng adviser niya ay very good daw siya sa class behave lang at talagang nagpa participate 😊 Sa kanilang klase dalawa lang daw sila ang nakakuha ng average grade na 90+. Kaya nakakatuwa at nakakaproud bilang magulang 😁 Sa panganay ko naman hindi man kasing taas sa mga grades ni bunso ay sobrang proud mom parin dahil matataas parin ang grades niya. Ang akala ko highest grade niya ay math dahil madali lang daw o fave subject niya. Nadismaya siya, sa mga grades niya dahil mas mababa daw kumpara sa kapatid niya. Kaya pinapayuhan ko na ang pag-aaral hindi competition na ipakitang mas magaling ka kumpara sa iba. Ang importante you did your best at may natutunan sa mga lessons 😊 Sinabihan ko na rin na huwag mahiya na magparticipate kasi mataas ang makuha na grades sa participation, mas mahiyain kasi ang eldest ko hindi kagaya kay bunso talagang malakas ang loob hehe. Sabi ko nalang din generous lang talaga magbigay ng grades ang mga teacher ni bunso πŸ˜… Isang maulan na araw uli ang lamig ng weather kahapon ganito rin ang panahon. Stay safe ang lahat. Blessed weekend to us 😊

+1 more

@ruby0622

PTC meeting Blessed evening Noise app fam! ngayon ko pa lang maibalik ang inyong pagmamahal na busy lang sa buhay buhay si inday πŸ˜… May nilakad kasi ngayong araw. Ako'y naguguluhan sabay ang meeting schedule ng mga anak ko bukas bigayan din kasi ng card nila kaya kailangan nandun ka sa meeting. Kinausap ko si mister kanina bago pumasok sa work na siya ang magmeeting nalang sa panganay namin kasi mas mabilis matapos makapagpahinga kaagad. Hindi kasi work from home and schedule niya tonight mabuti sana kung dito lang siya sa bahay makaidlip kapag breaktime, kapag nasa opisina nakakahiya umidlip daw kahit breaktime. So ayun ang usapan namin ako magmeeting kay bunso siya naman sa panganay namin hehe. Malalaman na bukas ang grades nila sa first quarter excited rin akong malaman kung nakikinig ba sa teachers itong mga estudyante ko πŸ˜„ Good night and sleep well, tomorrow uli 😊

@ruby0622

Bacon for kids lunch Happy morning noise app fam! Namiss kong mag ingay haha namahinga ng isang araw dumating kasi ang mga biyenan ko nakaraang gabi at kakauwi lang kaninang umaga. Nakakahiya kasi magdotdot habang nandito sila kaya pakitang gilas muna πŸ˜‚ minsan lang naman sila makabisita 😁 Share ko lang ang ulam ng mga estudyante ko for lunch today. Paborito nila itong bacon, Kaya ang tuwa nung makita ang ulam ng baon nila. Niluto ko nalang sa air fryer ng 15 minutes ayan ang result sa pangatlong photo. Ang daming excess oil galing sa bacon may panggisa na ako hahaha. Kumusta kayo?namiss kong makipagtsikahan πŸ˜„ tahimik na uli ang bahay nasa school mga estudyante ko. Luluto muna ako ng pananghalian tapos gala ako dito πŸ˜… Happy and Blessed Thursday enjoy your day! Spread love and happiness lang kahit daming negative sa paligid 😁

@ruby0622

Watching Movie while Lunch Time 😁 Nakapaglunch na ang lahat?Kami ni mister ito kakain pa lang habang manonood ng movie :) Ang ulam namin afritadang manok kahapon pa ito na luto ni mister. Hindi naubos kahapon kaya ito uli ang ulam medyo nasunog pa pagkaluto :) Mukhang maganda ang movie na'to suspense gusto ko rin mga ganitong palabas may thrill hehe. Maulan ulan ang weather ngayon, kanina paghatid ko sa mga estudyante ko naulan hoping mamaya pagsundo hindi uulan. Kain tayo noisemates, tamang tama matapos itong panood namin susundo na sa mga estudyante ko :) Happy lunch sa ating lahat 😊 Blessed Tuesday everyone!

@ruby0622

Gatsby Party Costume Na share ko na ito sa kabila, ito yung time na may Gatsby party ang tita lola (kapatid ni mother in law) sa kanyang 60th birthday months ago. Twinning daw ang sisters 😁 ito ang costume nila sa party. Nasa Tagaytay kami nito sa mga biyenan ko, ito yung furniture shop nila at dahil dun din ginanap ang pagdiriwang sa Tagaytay nagrent lang silang venue. Ayan bago pumunta sa party picture daw muna sila kanya kanya silang pacute πŸ˜„ Busy ang maghapon kaya ngayon lang nakabisita bawi ako tonight 😊kumusta kayo? #GastbyParty #MyTwinningPrincesses #MonthsAgo #Pilipinas

@ruby0622

Hubby's Dinner Meal Ito naisipan ni hubby na hapunan ngayon sinipag siyang gumawa ng diet meal niya haha. Dinamihan na niya para sa aming dalawa. Nag grilled siya chicken breast at pagkatapos ininit niya ang tortilla wrap (spinach) kung saan nag ihaw. Ang sarap ng hapunan busog lusog kana healthy pa :) Halos katatapos lang namin kumain medyo late na ang dinner. Medyo late na kasi ang preparation ni mister sa meal kaya natagalan din ang hapunan. Pero mga anak ko maaga kumain kaya ready to sleep na sila. Gusto pang tabihan sila sa pagtulog, sinabihan ko lang mamalantsa pa akong uniform nila at katatapos ko lang kumain kaya pumayag, bilisan ko lang daw para matabihan ko sila :) Ang lalaki na nila pero gusto parin katabi ako sa pagtulog kailangan nasa gitna nilang dalawa. Para walang ayaw hehe mabilis daw sila makatulog kapag katabi ang mama 😊 Mamalantsa muna si inday hehe pasukan na uli mga estudyante natin bukas kaya kailangan matulog rin maaga :) Good night to all :)

@ruby0622

11.11 Sale Parcel Received Ang bilis dumating ng inorder ko nakaraang sale. Ito lang ang binili ko sa 11.11 sale, mga kakailanganin lang talaga hindi na ako nagpatukso sa iba haha. Nasira na yung payong na ginagamit ko sa tuwing susundo sa mga estudyante ko kaya bumili akong bago hindi pwede walang payong kakailanganin talaga yan sa tuwing aalis ng bahay lalo na at pabago bago ang panahon. Para maiwasan magkasakit dapat healthy and pretty always kaya kailangan talaga ang payong at ng hindi rin mabilad sa araw ang beauty πŸ˜… Bumili rin akong water bottle sa dalawang estudyante ko akala ko malaki laki maliit lang pala siya :) pwede na rin may water dispenser naman sa labas ng room kaya salinan nalang kung maubusan. May cashback pang nakuha sa inorder namin, malaking tulong na rin makakatipid sa susunod na bibilhin. Kumusta ang inyong weekend Noise app fam?hope you enjoy. Have a great and blessed day!

@ruby0622

Vegetable Soup (Sinabawang Gulay) Nakapaglunch naba ang lahat?Kami ito kakataos lang sa aming simple and healthy dish. Medyo matagal na huli kong luto nitong laswa o law-oy sa bisaya hehe. Paborito rin ng mga anak ko ang ganitong luto pure gulay lang talaga yan walang sahog na isda o karne, dried hipon lang na maliliit sahog ko 😁 Gustong gusto ng dalawang anak ko may kalabasa tapos dinudurog sa sabaw, sayang lang walang malunggay na tinda. Kaya alugbati, saluyot, okra, talbos ng kamote at kalabasa lang yan. Dahil kami lang mag-iina mananghalian ito naisipan kong lutuin night shift si mister kaya tulog, ayaw kasi ng ganitong luto hindi daw siya sanay. Ako laking probinsya kaya sanay na sanay sa mga ganitong ulam. Kaya sa mga anak ko sinasanay ko rin sila sa pagkain ng ganito kaya tuwang-tuwa mama ko sa probinsya kapag nagbakasyon kami kasi hindi daw sila maarte πŸ˜„ May tuyo din na tira kaninang umaga at yung dried hipon na maliliit hindi ko nilagay lahat sa sabaw kaya yung iba nilagyan kong itlog. Busolb na ang aming lunch sarap higop ng sabaw. Happy weekend and stay safe to all!