read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Cheese Roll Happy and Blessed Mother's Day sa ating lahat mga Dakilang Ina ^_^ May binili ang asawa kong cheese roll ito na meryenda namin ngayon :) Dahil mahihilig mga anak ko sa cheese kaya tiyak magugustuhan nila ito, natutulog pa ang dalawang prinsesa ko. At mamayang alas kwatro mamasyal daw dahil Mother's day ngayon baka sa park na naman kami pupunta nito. Nakaraang linggo namasyal ng Picnic Grove gusto ko sa iba naman itong asawa ko gusto uli doon kasi magpapalipad daw siya ng saranggola :) Inuwi niya kasi ang saranggola na binili nakaraang pamamasyal sa picnic grove. Masarap din ang cheese roll lasang cheese talaga super cheesy niya :) Kaya alam kong magugustuhan ng mga girls ko mga cheese lover ang dalawa. Anong ganap nyo ngayon mga mommies siguro karamihan sa inyo namamasyal ngayon o kaya sa bahay lang ang importante magkakasama ang buong pamilya sa selebrasyon. Hindi madali ang pinagdaanan nating mga ina para sa ating mga anak pero mas lamang ang sayang nararamdaman bilang isang ina :) Kaya maging proud tayong mga dakilang ina sa ating mga sarili. Enjoy your weekend celebration and stay safe always. God Bless us all!

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.