read.cash Log in
@ruby0622

@ruby0622 in March 2022

@ruby0622

First time bumisita ng mga anak ko sa puntod ng papa ko hindi na kasi nila naalala yung huling dalaw namin dito maliliit pa kasi sila noon. Nawala ang papa ko mahigit isang dekada na rin nakalipas ng iwan niya kami. Nasa malayong lugar pa ako noon nagtatrabaho ng siya ay pumanaw dulot ng sakit na colon cancer. Napakasakit nung time na nawala siya hindi ko man lang siya nakausap ng personal. Hindi ko na tinapos ang kontrata sa work nag early vacation ako at pinayagan din ng…

@ruby0622

Alimango Ito talaga ang bida noong araw ng Pasko. Sobrang sarap niya ang tataba Kasi nila kahit simpleng luto lang walang kaeffort effort sa pagluluto basta nalang pinakuluan hehe. Ang plano talagang luto diyan ay lagyan ng sprite yun gawing sabaw niya pero walang mautusang bumili ng oras na yan dahil malakas ang ulan at gabi na. Hindi kasi hinanda ang sangkap na gagamitin sa pagluluto nung magluto na saka pa lang naalala may kulang pala hehe. Pero masarap parin kahit nilaga…

@ruby0622

Lunch Kumusta kayong lahat noisefam, nakakain na po ba?Ang ganda ng panahon ngayon hindi masyadong maaraw at mahangin pa kaya hindi mainit ang panahon. Ito po ang simpleng lunch namin kanina sayote na may giniling at tuyo. Simple lang pero masarap gusto rin ng mga anak ko at asawa. Medyo mura kasi ang sayote tapos bumili lang ako ng giniling halagang singkwenta at sayote trenta pesos may masarap na kaming ulam sa tanghalian. May binili rin akong tuyo sa friend ko na…

@ruby0622

Ang bilis talaga ng panahon dati ang liliit lang nila :) Nakalkal ko lang yung unang picture ang cute lang nila dito parehas nakajumper. Isang taon lang pagitan nilang tatlo kaya buddies sila hehe nung umuwi kaming probinsya nakaraang Pasko doon na lage nakatambay yung pinsan nila sa bahay ng Nanay (mama ko) kasi nandun ang mga anak ko. Ayaw ng umuwi sa bahay nila same barangay lang din naman nakatira pero medyo malayo din ang bahay ng pinsan nila mula sa bahay namin.…

@ruby0622

Spaghetti for Snacks Ang ganda ng panahon kahit maaraw mahangin naman kaya hindi mainit. Nakapagmeryenda naba lahat, kami ito kumakain pa lang. Nagluto akong spaghetti meryenda namin ngayon. May natira kasi nung Pasko mga sangkap pangspaghetti kaya naisipan kong lutuin. Bumili nalang ng giniling pangsahog meron na rin naman hotdog kaya hindi na bumili. May tinapay na rin kaya solve na ang meryenda tubig lang partner hindi rin naman sila sanay sa softdrinks yung daddy lang…

@ruby0622

Pa-Throwback lang :) Nakita ko lang sa gallery ang picture na'to ang cute pa ng mga babies ko dito :D Dati ganito lng sila, kabilis ng panahon namimiss ko rin yung ganito lang sila amoy baby pa talaga hehe. Isang taon at tatlong buwan lang pagitan nila naCS ako sa panganay kaya ganun din Kay bunso. Naalala ko pa pinagdaanan ko sa kanila nung mga baby pa. Masasabi mo talagang hindi pala madaling maging ina. Kaya nga noong time na nahirapan akong mag-alaga sa dalawang babies…

@ruby0622

Dinner Habang naghihintay ng order nanonood muna mga kiddos. Hindi na masyadong mahigpit ngayon pwede na magdine-in mga bata. Hindi naman aircon kinainan namin open area siya pero mas gusto ko yung ganito May bagong bukas na kainan dito sa labas ng gate ng subdivision tinikman namin kung masarap ang dami kasing customer palagi. Nag order lang akong inihaw na pitso ng manok namiss ko ang mang inasal hehe. Masarap ang juicy ng chicken na order ko at unli rice sa bawat order…

@ruby0622

Happy Meryenda Ang ganda ng panahon ngayon nakiayon sa aking paglalaba madalas kasi makulimlim o minsan umuulan kapag naglalaba ako pero ngayon talagang tirik ang araw mabuti nalang medyo mahangin Kaya masyadong mainit. Feel na feel mo na ang summer maaraw na palagi. Katatapos ko lang maglaba dami hehe isang linggong labahan ba naman Kaya tiyak tambak :) tuwing sabado lang talaga mkapaglaba dahil online class dalawang anak ko walang mag assist at pagkatapos online class…

@ruby0622

Happy and Blessed Sunday Noisefam! Nakakapagod ang araw na'to, kakauwi lang namin galing namasyal. Nakakagala uli mga kiddos sa mall Kaya tuwang-tuwa :) Nagyaya kasi kapatid ko puntang mall malapit na rin siyang uuwi ng Mindoro Kaya nakipagkita siya sa bestfriend niya dito lang din sa Cavite matagal na din silang hindi nagkita. Sumama na rin kaming mag-ina para makagala naman mga bata hindi na nakasama si hubby may pasok na kasi siya kapag weekend. Sobrang kulit talaga ng…

@ruby0622

Isang mapagpalang Lunes sa ating lahat. Makulimkim ang panahon ngayon hindi nagpakita si haring araw. Habang ang mga ate ay may online class itong pamangkin ko naman iba naman ang ginagawa. Ang hilig niyang magkalat tapos mamaya ang mga ate na papaligpitin kaya naiinis mga ate niya haha. Pagkagising pa lang ng pamangkin ko kinuha agad ang cellphone ko hindi ko pinapagamit dahil ang aga pa cellphone kaagad at saka gagamitin ng ate niya sa online class. May mga tablet ang mga…

@ruby0622

Kare-kare Dahil gusto ng kapatid ko ng kare-kare kaya bumili kami ng karne pangkare-kare gusto niya tuwalya pero wala kaming mabili. Kaya yung laman nalang ng karneng baka na may kaunting taba ang nabili namin masarap din ang taba ng karne. Siya na pinaluto ko dahil siya naman nagrequest hahaha kaya ayun siya na rin magluto dahil busy rin ako sa mga activities ng kids nag assist. First time niyang magluto nito kaya nanonood pa paano lutuin haha. Ito ang resulta ng luto ng…

@ruby0622

Breakfast! Sa araw-araw paggising ugaliin nating magpasalamat sa panibagong araw at kalakasan na binigay ng Diyos sa atin. Every gising is a blessing, sa buhay pa lang na meron tayo ay isang malaking pagpapala na ating natanggap, gamitin natin ito for His glory alone. Ang ganda po ng sikat ni haring araw tiyak maaraw buong maghapon ngayon. Habang nag aassist sa dalawang kids ko sa kanilang online class kumakain din ng breakfast. Ang ingay dito sa bahay yung dalawang anak ko…

@ruby0622

Simple Art :) Katatapos lang nila mag online class, sabi ko gawin na kaagad ang mga activities nila today para matapos na this morning lang. Para mamayang hapon makatulog sila madalas kasi hindi natutulog ng hapon dahil gumagawa ng mga activities. Kaya maaga ko nalang pinapatulog kapag gabi. Nanghihingi ng five minutes break bago daw gawin mga activities nila pero alam ko na yang 5 minutes na yan abutan na naman ng 30 minutes :) Pero okay lang kapag ganyan ang ginagawa, mag…

@ruby0622

Afternoon Snacks Nakapagmeryenda naba ang lahat. Dahil nagutom mga estudyante ko sa pag-aaral Kain daw muna sila. Nakapasyal kaninang umaga ang Lola at Lolo (mga biyenan ko)binigyan silang pambili ng burger at fries generous talaga mga biyenan ko sa mga apo nila wala pa kasing ibang apo kaya spoiled sila :) Hindi natapos activities nila kaninang umaga Kaya tinuloy ngayong hapon hindi na nga natulog, patulugin nalang ng maaga mamaya. Medyo mahirap na kasi lesson ng panganay…

@ruby0622

Lunch Time Ang ganda ng panahon ngayon maaraw na mahangin siya makakatuyo na sana ng sinampay kong maaga nakapagsampay na. Nabago ang schedule ng paglalaba ko dahil sa Saturday aalis kami ng maaga pupunta kaming antipolo sa bahay ng kapatid ko. Baka magstay din kami ng isang linggo doon. Dahil naglalaba ako itong madaliang ulam lang niluto ko kaya ang tagal ko din matapos sa paglalaba pahinto hinto kasi sa ginagawa. Nag aassist sa mga bata online class nila tapos tinuturuan…

@ruby0622

Ang busy sa araw na'to daming tinatapos na activities ng mga kiddos. Tumawag Kasi kapatid ko nasa Antipolo at tinatanong Kung kailan Kami punta doon hindi ko pa Kasi nasabi na bukas ng maaga kami pupunta. Sabi niya ngayon nalang daw kami hapon pupunta doon dahil bukas ng maaga puntahan namin yung tita namin sa Bulacan para mabisita ilang taon na din hindi nagkita. Maging busy na daw kasi siya next week magprocess ng papers niya pabalik sa ibang bansa. Kailangan kasi bago…

@ruby0622

With Nanay (Lola) Nakarating kami dito sa kapatid ko ng maayos at ligtas. Umalis kami kanina sa bahay ng ala una galing Cavite papunta dito sa Antipolo nakarating kami ng mahigit ala singko ng hapon. Mabuti nalang din at hindi nagsuka mga bata sa haba ng byahe namin. Pagkadating namin dito sa bahay ng kapatid ko nagkagulo na kaagad magpinsan ang ingay na ng bahay haha ganyan sila kapag magkakasama hindi pa kumpleto ang magpipinsan ang ingay na :D marami pa silang pinsan sa…

@ruby0622

Antipolo to Bulacan Ang usapan maaga kaming aalis puntang Bulacan pero nakaalis mag-alas otso na :) Sana lang hindi trapik weekend pa naman ngayon. Kinakabahan pa ako dito sa dalawang anak ko mahihiluhin kasi sa byahe. Lalo na kapag aircon ang sasakyan pero nakaready naman lagi ang mga plastic haha. Nakakaawa lang kasi kapag nagsusuka nanghihina sila. Nagrenta ng van kapatid ko, may mga bata kasi ang hassle kapag nagcommute lang kami tapos hindi pa namin alam ang bahay ng…

@ruby0622

Coffee Before Tavel Maagang nagising mga kiddos mabuti isang gising lang kailangan maaga umalis para hindi kami matrapik sa byahe. Dito na kami natulog sa bahay ng tita namin sa Bulacan. Para ngayon madaling araw balik na kaming Antipolo. Tamang-tama matulog lang uli mga bata sa sasakyan para hindi mahilo sa byahe. Matagal rin nakatulog kagabi daming kuwentuhan ilang oras lang ang tulog kaya siguradong tulog kami nito sa sasakyan. Ang sarap pa naman matulog ng ganitong oras…

@ruby0622

Sunday swimming! Thank you Lord, sa guidance and protection nakarating kami kanina dito sa Antipolo ng ligtas at hindi nagsuka mga kiddos mabilis lang ang byahe. Kaya maganda talaga na madaling araw magbyahe walang trapik. Pagdating namin kanina nag almusal pagkatapos naglaba dahil daming labahan na agad kaunti lang dala naming damit papunta dito kaya kailangan maglaba. Kaninang umaga nagyaya mga kiddos na magswimming kaya pinapamadali na nila paglalaba namin para…

@ruby0622

Inihaw na Hito Nung pumunta kaming Bulacan nakaraang araw nadaanan namin nagtitinda ng hito ang lalaki nila. Ang dami palang fish pond doon ng hito kaya medyo mura lang nasa isang daan ang kilo. Mahigit alas dose ng tanghali kami nakarating ng Bulacan at ito ang ulam sana pero dahil gutom na dumating kami at matagalan pa kung iihawin. Bumili nalang din kami ng ulam kasi gutom na mga bata sa byahe. Kumain nalang kami uli nung naluto na ang inihaw na hito ang sarap niya…

@ruby0622

Boso-boso Highland Resort Ang saya lang talaga nila basta swimming ang pupuntahan :) Ang ganda rin dito tuwang-tuwa sila huling swimming namin nung bakasyon pa sa probinsya dalawang buwan na din nakalipas. Kahit malamig ang tubig hindi talaga yan sila nakakaramdam ng lamig ayaw pang umahon baka mamaya nito pahirapan na naman pauwiin may mag-iiyak na naman dahil ayaw pang umuwi hehe. Biglaan ang pagpunta namin ngayon wala sa plano na magswimming pero mas maganda rin ang…

@ruby0622

Sack Race Tuwang-tuwa silang naglalaro nakakatuwa tingnan tawa kami ng tawa sa kanila. May performance task kasi sa P.E. ni bunso videohan daw siyang may kasamang naglalaro ng sack race tamang-tama dito pa kami Antipolo nandito mga pinsan niya may kasama siyang maglaro. Kapag sa bahay silang dalawa lang ng ate niya maglaro nito:) Nakakatuwa tingnan makita mong naglalaro sila ng ganito parang hindi na kasi nauso sa henerasyon nila ngayon halos online games nalang ang alam…

@ruby0622

Tatlong buwan na rin ang nakalipas nung humapugit si odette sa probinsya namin sa Surigao. Natapat talaga na nagbakasyon kami sa probinsya sa oras na iyon, pinalipas lang ng dalawang araw pagdating namin saka dumating ang bagyo. Ang daming nawalan ng bahay, naluging hanap-buhay at nakakalungkot may mga buhay na nawala. Makikita yung palayan namin parang ilog na dahil tabi rin ng ilog bahay namin kaya mabilis rin bumaha. Mabuti nalang hindi pa kami nakatanim ng palay nung…

@ruby0622

Burger and Ice cream Ang init na talaga ng panahon feel na feel mo na ang summer Kaya uminom tayo ng maraming tubig para iwas sakit na rin. Nagluto ang kapatid ko ng meryenda namin bumili siya ng buns burger at ham dahil may natirang cheese pa nakaraang luto. Ang sabi pa ng bunso ko her tita daw is a good chef ang sarap daw kasi niluto niyang burger paborito Kasi nila ham and cheese. Kaya bigyan daw niya ng rating ang luto ni tita ng 10/10. Nagrequest din bunso ko ng pancake…

@ruby0622

Red Wine May binigay na red wine yung friend ko galing sa bf niya sa UK nagpadala kasi ng package. Last year pa'to binigay ng kaibigan ko ngayon ko lang nainom. Nandito kasi kapatid ko at uuwi na siyang Mindoro sa linggo kaya naisip ko na inumin namin ang red wine. Excited pa naman kaming inumin tapos nung natikman na ng kapatid ko umayaw agad isang tikim lang hindi kasi masarap ang lasa mapait at malalasahan mo talagang may alcohol siya. Ako lang talaga ang uminom…

@ruby0622

Lambingan ng Magpinsan ^_^ Pagkagising ng pamangkin ko bumangon agad kahit tulog pa mama niya tapos naglalambing sa panganay ko. Ang ganda lang nila pagmasdan malambing din kasi ang panganay ko hindi kagaya sa bunso ko hindi siya malambing sa pinsan niya, sa mama lang daw :D Ang hilig talaga nitong pamangkin ko magdede ng hinlalaki niya tapos nakataas pa kaunti ang damit parang naiinitan ang tiyan niya palagi kapag nakahiga ganyan siya. Tapos nakade-kwatro pa yung paa,…

@ruby0622

Ang Magpipinsan :) Ito yung time na nandun kami sa bahay ng tita ko nakaraang Sabado sa Bulacan. Kahit sa ibang bahay grabe walang makakapigil sa kakulitan nila. Panay parin away itong dalawang magkapatid na pamangkin ko. Grabe din kasi itong pamangkin ko na lalaki sobrang spoiled kahit nanakit na hahayaan lang ng kapatid ko at mama niya kasi ang katwiran bata pa raw at kapag pinapansin o sinasaway lalong nagpapansin. Magbabago rin daw yan kapag malaki na sana lang talaga…

@ruby0622

Family Outing Ang sarap bumalik sa lugar na'to at magtampisaw :) sobrang init na ng panahon summer na summer na talaga. Mga nakaraang linggo mahangin pa kahit maaraw hindi mo ramdam dahil ang presko parin pero ngayon ramdam mo na talaga ang init ng panahon. Kaya ang sarap magbabad sa tubig kaliligo mo lang pawis kana kaagad. Nakaraang Martes, nasa Antipolo kami nagyaya kapatid ko na outing daw kami dahil kinabukasan ng araw na yun ay uuwi na kami dito sa Cavite. Gusto ng…

@ruby0622

Estatwa ng Buwaya Pagpasok pa lang sa entrance ng resort ito agad ang makikita malaking estatwa ng buwaya. Gusto ko sana kuhaan sila ng litrato pagpasok pa lang ng resort pero excited na masyado mga kiddos magswimming kaya sabi ko pag uwi nalang namin. Nung malapit na ang uwian biglang lumakas ang ulan pero kahit malakas ang ulan mas lalong nag enjoy mga kiddos sa paliligo. Mabuti nalang may parang bahay sa gitna ng pool at doon lang ako nagtatago dahil nilalamig na ako.…

@ruby0622

Robinson Antipolo ^_^ Dahil ilang araw lang bakasyon sa kapatid ko sa Antipolo pinasyal mga bata sa Robinson. Alam na kapag nasa mall ang mga kiddos tumatambay sa arcade kaya dapat handa talaga ang bulsa kapag kasama sila. Hindi magpapaawat sa paglaro ang laki rin ng nagastos sa tokens nila mabuti nalang nandun kapatid kong lalaki siya financer sa lakad namin hehe. Nung nasa department store naman kami, mga kiddos diretso agad sa tindahan ng toys ang mamahal pa naman ng mga…

@ruby0622

Assorted Bread Ang init na talaga ng panahon ramdam mo na ang summer kaya wag kalimutan uminom ng maraming tubig upang hydrated tayo. Nakapagmeryenda naba lahat? ito meryenda namin sa mainit na hapon hehe. Kaya pala ang tagal nakabalik ng mag-ama naiwan ang panganay ko kasi may tinatapos kami na activities niya. Napunta na pala district mall si bunso at daddy niya tapos tinapay lang binili haha ang arte kasi ng daddy gusto sa Julie's pa bumili. Masarap din naman talaga…

@ruby0622

My Future Chef and Doctor ^_^ Pa-throwback muna 2 years ago na ang larawan nato ang payatot pa ng ate dito :) Apat na taon pa lang ang panganay ko nag-aaral siya nursery nung malapit na moving up nila tinatanong silang mga kaklase niya ng teacher nila kung anong pangarap nila paglaki, ang panganay ko sumagot ng Chef ang gusto niya paglaki. Nandun kasi ako ng oras na tinanong siya ng teacher nagulat ako kasi alam na niya ang gusto niya paglaki. Samantalang ako noon sa edad na…

@ruby0622

Stressed Out na daw siya ^_^ Panay na reklamo ni bunso stressed out na daw siya sa mga activities niya haha. Kanina pa kasi siya nagsusulat kapag AP na aralin marami rin kasing isusulat. Sabi ko tapusin lang niya yan para makapagbreak time na siya. Hindi parin kasi nagmemeryanda kaya ganyan ang hitsura :) Nasa Tagaytay ang ate niya kasama ang daddy nila kaya kaming dalawa lang naiwan at na focus ko siya sa mga activities niya. May online class pa kasi siya kanina nung…

@ruby0622

Katuwaan lang ^_^ Ang mga ate walang magawa napagtripan nilang gamitin yung pantali ng pinsan nilang makulit hehe. Binilhan kasi ng kapatid ko ang napakahyper ko na pamangkin ng pantali parang aso lang haha nakakapagod naman Kasing habol ng habol sa tuwing namamasyal kaya maganda nakatali sa mama para hindi makawala haha. Napaglaruan ng mga ate ang pantali ng pinsan nila :) Subukan daw nila itali sa sarili nila at mag acting kunwari si Ate daw ang Tita nila at si bunso yung…

@ruby0622

First time nilang makasakay ng tren excited pa sila kasi finally maranasan na nilang sumakay. Nung pumunta kami niyan sa Antipolo galing dito sa Cavite. Ang saya nila nakasakay ng tren sa wakas haha. Matatawa pa ako diyan sa pamangkin ko kasi nung dumilim sa may Ayala yata yun parang dumaan kami ng underground bihira lang din kasi ako makasakay ng tren o makabyahe dahil taong bahay lang talaga bantay bata at gawaing bahay ang tanging pinagkakaabalahan :) Natawa talaga ako…

@ruby0622

Namiss ko ang probinsya namin lalo na sa lugar na'to. Ang sarap lang pumunta sa lugar na ganito lalo na ngayong summer na ang panahon. Dito walang entrance kapag magswimming ka at dami pang adventure na magagawa mamingwit o manguha ng shells, pagka-uwi ng bahay may ulam ng dala. Ang saya ng oras na'to daming hindi malilimutan na karanasan lalo na si bunso na nasugat pa sa talaba. Nakikita niya ang alaala ng swimming namin dito sa peklat niya. Unang karanasan nilang sumakay…

@ruby0622

Palabok ^_^ Sobrang busy buong araw kapag Sabado talaga daming ginagawa. Pagkatapos ng laba dami ko kaninang umaga gawaing bahay naman. Mabuti nalang ngayong araw mahangin kaya hindi masyadong mainit kahit maaraw. Nakatuyo na ako ng mga nilabhan maagang natapos, maagang nagpaikot si hubby ng labahan kaya paggising kanina banlaw nalang si inday hehe. Isang linggong labahan kaya tambak talaga :) Kaya reward sa pagod ko today bumili si dodong(hubby) ng palabok. Hindi…

@ruby0622

Happy and Blessed Sunday! Gusto ko lang ishare ang aking bunso ang bait nagsuot ng dress :) Papunta kaming church nito kanina bihira lng kasi talaga siya mapapayag na magsuot ng damit. Nakikita pa lng niyang naghahanda ako ng damit na susuotin iiyakan talaga ako kapag dress ang inihanda ko sasabihin niya next time nalang. At siya ang mamimili ng susuotin gusto niya leggings palagi unlike sa ate niya gusto nakadress palagi. Kahit dito lang sa bahay dress gusto ng ate suotin…

@ruby0622

Sunday Bonding! Habang nanonood kami ng movie naisipan kong ubusin ang red wine na ininom namin ng kapatid ko nakaraang linggo. Hindi kasi naubos dahil ako lang umiinom :) Hindi nagustuhan ng kapatid ko ang lasa mapait at mapakla daw kasi dry sa lalamunan in short hindi masarap haha. Tinikman lang ng kapatid ko at ako na ang nag ubos dahil ayaw niya. Ayaw rin ng asawa ko kasi hindi niya rin gusto ang lasa kaya bumili siya ng inumin niya lemon-dou masarap rin naman isang can…

@ruby0622

PAKWAN Ang init ng panahon kaya para mabawasan ng kaunti kain muna tayo ng pakwan. Bumili asawa ko kanina ang mahal din pala ng kilo nito 60pesos isang kilo kaya yung isang buo nasa 200 pesos din mahigit. Parang mas masarap itong dilaw na pakwan mas matamis siya kaysa pula. Kahit hindi masyadong dilaw ang kulay pero matamis siya. Pangalawang beses ko palang nakakain nito madalas pulang pakwan natikman ko. Mas masarap din talaga kainin ito kapag malamig siya lalo na ngayon…

@ruby0622

Future Self ^_^ Maaga natapos ang online ng dalawang anak ko maaga kasi nag umpisa alas syiete pa ng umaga. Kaninang break time ng class ito pinagkaabalahan ng bunso ko at tinapos niya after ng online class. Nakakatuwa lang ginuguhit niya ang future self daw niya :) Mahilig din kasi talaga siya gumuhit isa yun sa hobby niya. Ayaw pa niyang ipakita habang siya ay gumuguhit ipakita lang sayo kapag tapos na niyang naguhit :) Sa pagguhit din niya nilalabas o pinapakita ang…

@ruby0622

Tiktokers! Tuwang-tuwa mga ate napapasayaw din sa mga pinsan na nagtitiktok:) Wala kasing kahilig hilig mga anak ko sa tiktok pero kapag nandyan ang mga pinsan napapasabay sa uso hehe. Mahihilig mga pinsan nila magtiktok itong dalawa kong anak walang kahilig hilig hindi rin naman Kasi nahilig ang sayaw sa kanila kaya ganun ang lalambot rin kasi ng katawan may pinagmanahan lang haha. Maalala ko yung pamangkin ko sa probinsya kapag nakarinig daw ng tugtog habang naglalakad…

@ruby0622

Pizza Nagutom mga estudyante ko sa activities nila kaya ayan meryenda muna. Nagpabili sa daddy nila ng pizza sabi ko bread nalang gusto daw nila pizza matagal na daw silang hindi nakakain nito. Kaya bili agad ang daddy palibhasa gusto rin niya sabi ko tinapay nalang sana tipid-tipid muna katwiran naman hindi naman araw-araw kaya pagbigyan na mga bata. Magandang tumambay dito sa labas ng bahay mahangin kasi ngayon kaya hindi masyadong mainit kahit maaraw ang panahon. Dito na…

@ruby0622

Swimming sa Batya ^_^ Nakapasyal ang mga pinsan galing Antipolo dumating sila kagabi. Namasyal daw kasi sila sa Tagaytay at dumaan nalang dito sa bahay. Pinasyal nila si mama uuwi na kasi silang province namin sa Surigao kaya para sulit naman ang bakasyon dito sa Manila pinasyal ng kapatid ko si mama nakaraang araw nag Ocean park daw sila first time ng mama namin makapunta doon kaya tuwang-tuwa marami din silang napasyalan. Pagkatapos ng online class ng panganay ko ayan…

@ruby0622

Night Bonding Ito yung ganap kagabi nung dumating sila mama at kapatid kong lalaki kasama ang asawa at dalawang pamangkin ko. Nagproblema pa ako kung paano kami magkakasya matulog dahil sa liit ng bahay tapos maraming gamit kaya wala na talagang space kapag may bisita. Mga alas otso ng gabi sila dumating sabi ko doon nalang siguro matulog sa isa naming kapatid medyo may kalayuan lang din ang bahay dalawang sakay pa pero dahil pagod na sa byahe galing silang Tagaytay namasyal…