My Future Chef and Doctor ^_^ Pa-throwback muna 2 years ago na ang larawan nato ang payatot pa ng ate dito :) Apat na taon pa lang ang panganay ko nag-aaral siya nursery nung malapit na moving up nila tinatanong silang mga kaklase niya ng teacher nila kung anong pangarap nila paglaki, ang panganay ko sumagot ng Chef ang gusto niya paglaki. Nandun kasi ako ng oras na tinanong siya ng teacher nagulat ako kasi alam na niya ang gusto niya paglaki. Samantalang ako noon sa edad na apat na taon hindi ko pa alam ang gusto o pangarap ko paglaki kahit hayskul na ako hindi parin alam haha. Kapag tinatanong ko ang panganay ko ngayon anong gusto niya paglaki ganun parin ang sagot niya maging "Chef" nadagdagan lang gusto niya maging doktor din :) Si bunso ko naman nung apat na taon (nursery) pa siya tinanong ng teacher anong gusto niya paglaki sagot naman niya "Doctor" . Nung kinder na siya gusto naman niya maging doktor at pulis daw. Parang lalaki kasi kumilos ang bunso ko opposite sila ng ate niya girl na girl sa pananamit pa lang ayaw na ayaw ni bunso magdress yung ate naman gustong-gusto. Ngayong ikalawang baitang na ang bunso ko ang daming pangarap nadagdag haha gusto daw niya maging doctor, pulis, fire fighter at scientist hindi pa naman basta-basta ang nadagdag niyang pangarap sa buhay :D Nakakatuwa lang sa edad niya dami na siyang pangarap kaya pinapayuhan ko mag-aral siya ng mabuti para makamit mga pangarap niya sa buhay. Ganun din ate niya, kaysarap lang sa pakiramdam na may mga anak ngayon pa lang kasama kana sa mga pangarap paglaki nila. Natawa pa ako dun sa kuwento ng kapatid nung nasa probinsya kami nakaraang pasko sinabi daw sa kanya ng bunso ko "Tita Neneng, when I was a baby, I'm a genius now I'm a kid I'm a scientist" haha englisera kasi mga anak ko kakapanood na din ng YT siguro tagalog naman o bisaya kung kausapin ko sagutin lang ako ng english hahaha. Natawa talaga ako sa sinabi ng anak ko na scientist na daw siya ngayon kaya tuloy inaasar ako ng kapatid ko may anak pala ako na scientist :D #MyPrincesses #owncontent @ruby0622
1 comment
There were many blessings and good wishes for the little doctor. I pray that he may grow up to be a great doctor and serve the people