Pa-Throwback lang :) Nakita ko lang sa gallery ang picture na'to ang cute pa ng mga babies ko dito :D Dati ganito lng sila, kabilis ng panahon namimiss ko rin yung ganito lang sila amoy baby pa talaga hehe. Isang taon at tatlong buwan lang pagitan nila naCS ako sa panganay kaya ganun din Kay bunso. Naalala ko pa pinagdaanan ko sa kanila nung mga baby pa. Masasabi mo talagang hindi pala madaling maging ina. Kaya nga noong time na nahirapan akong mag-alaga sa dalawang babies ko, naisip ko yung sakripisyo ng mama ko sa aming walong magkakapatid. Nahirapan na nga akong mag-alaga sa dalawang anak ko, paano pa kaya kaming magkakapatid na sunod-sunod pa parang ang hirap ng sitwasyon ng mama ko noong maliliit pa kami. Sa dalawang anak ko yung panganay ang iyakin lagi akong puyat gusto niya kasi laging karga kahit tulog na kapag ibaba mo na nararamdaman niya iiyak na naman kaya no choice kargahin mo nalang talaga. Maalala ko pa nun muntik ko pa siyang nabitiwan dahil nakatulog ako habang karga ko siya ang takot ko talaga nung time na yun. Pero bumawi naman ang panganay ko ngayon napakabait ganun daw yata kapag makulit nung baby pa paglaki mabait na hehe. Si bunso naman nung baby pa grabe kabait laging tulog gigisingin ko nalang para magmilk na siya pagkatapos tulog na naman kaya naninibago ako sa kanya kabaligtaran sila ng ate niya. Kaya ang taba niya nung baby pa, dede at tulog lang ginagawa hehe. Sabi nga ng mga kapitbahay parang walang baby daw nakatira kasi hindi man lang nila narinig na umiiyak :D Mabuti nalang talaga at napakabait ni bunso kasi wala akong kasama sa bahay mag-alaga sa kanila kapag nasa work asawa ko. Nahirapan lang talaga ako kapag nagkasakit tapos sabay pa silang dalawa napakahirap tapos wala kang katulong mag-alaga. Yung sabay silang iiyak tapos gustong magpakarga yung bunso, tapos maiinggit yung ate gusto din magpakarga maiiyak ka nalang din. Pero ngayon nakakatuwang malalaki na sila, may nauutusan ka na. Maganda palang magkasunod lang sabay din paglaki nila :) #MyTreasure #owncontent @ruby0216
5 comments
ay tama yan sis.maganda pag sunod sunod bby mo napansin ko yan.kasi sakin matagal.ko bago nasundan naku ang hirap parang sumusuko kana sa pagod kasi nasanay ka na malaki na yong panganay
Totoo Yan sis nakakapanibago Kasi yata kapag matagal nasundan parang bumalik sa umpisa hehe Kaya mas maganda pala talaga magkasunod lang:)
Ang cute ng mga babies mo sis ahaha
Ang cute pa kapag mga baby pa ngayon kagigil na haha
Eh pagmalaki na mangigigil ka na sa inis ahaha