read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Sunday Bonding! Habang nanonood kami ng movie naisipan kong ubusin ang red wine na ininom namin ng kapatid ko nakaraang linggo. Hindi kasi naubos dahil ako lang umiinom :) Hindi nagustuhan ng kapatid ko ang lasa mapait at mapakla daw kasi dry sa lalamunan in short hindi masarap haha. Tinikman lang ng kapatid ko at ako na ang nag ubos dahil ayaw niya. Ayaw rin ng asawa ko kasi hindi niya rin gusto ang lasa kaya bumili siya ng inumin niya lemon-dou masarap rin naman isang can lang binili niya hindi naman sanay sa inuman kasi ito namumula na kaagad isang baso pa lang :) Mabuti nalang din para hindi maglalasing haha online games lang ang bisyo niya mabuti nalang ngayon hindi na masyado naglalaro dahil busy sa pag-aaral sa mga kukunin daw niya na certificate. Ang sipag lang talaga mag-aral kabaligtaran sa akin :) Ito partner ng ininom namin ngayon tsitsirya walang ibang choice hehe. Mas mataas ang alcohol ng ininom kong red wine nasa 14% kaysa ininom ng asawa ko 5% lang kaya mas nakakalasing ang ininom ko :D Kahit hindi ko rin gusto ang lasa nitong red wine dahil walang ibang iinom mapilitan kang inumin sa umpisa lang naman mapait hehe. Maganda rin daw sa puso ang pag inom nito isang baso sa isang araw. Binigay lang ito ng friend na ko galing sa boyfriend niya sa ibang bansa nagpadala daw ng package sa kanya, kaya binigyan niya ako alam niya mahilig ako sa red wine :)

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.