read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Family Outing Ang sarap bumalik sa lugar na'to at magtampisaw :) sobrang init na ng panahon summer na summer na talaga. Mga nakaraang linggo mahangin pa kahit maaraw hindi mo ramdam dahil ang presko parin pero ngayon ramdam mo na talaga ang init ng panahon. Kaya ang sarap magbabad sa tubig kaliligo mo lang pawis kana kaagad. Nakaraang Martes, nasa Antipolo kami nagyaya kapatid ko na outing daw kami dahil kinabukasan ng araw na yun ay uuwi na kami dito sa Cavite. Gusto ng hipag ko sa Cloud 9 Antipolo pero ang daming bata bawal sila doon at siguradong hindi rin sila mag eenjoy. Hindi rin siguro ako mag enjoy hindi ko kayang maglakad sa hanging bridge takot ako sa matataas na lugar. Gusto kong matry o maexperience pero hindi ko yata kaya naiisip ko palang nanginginig na ang tuhod ko hahaha. Kaya dito nalang kami pumunta sa resort siguradong mag enjoy pa mga bata basta swimming tuwang-tuwa yan sila. First time ko rin makaligo dito mabuti nalang nanlibre kapatid ko naranasan rin magtampisaw dito :D Medyo mahal yung entrance fee yung pamangkin ko na tatlong taon may bayad na halos kaparehas na sa dult ang bayad may bawas lang kaunti. Pero sulit naman ang lugar may dalawang pool sa pambata at palaruan sa gitna ng pool kaya sobrang enjoy ang mga kiddos. Hindi na kami nakapagswimming sa pang adult na pool sa pambata lang talaga. Ang ganda rin ng view dito kasi nasa mataas na lugar ang resort kita sa likod ng larawan namin ang Laguna lake. Hoping soon makabalik uli dito :) Happy and Blessed weekend noisemates. Enjoy your day! #AntipoloResort #FamilyOuting #owncontent @ruby0622

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.