read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Sack Race Tuwang-tuwa silang naglalaro nakakatuwa tingnan tawa kami ng tawa sa kanila. May performance task kasi sa P.E. ni bunso videohan daw siyang may kasamang naglalaro ng sack race tamang-tama dito pa kami Antipolo nandito mga pinsan niya may kasama siyang maglaro. Kapag sa bahay silang dalawa lang ng ate niya maglaro nito:) Nakakatuwa tingnan makita mong naglalaro sila ng ganito parang hindi na kasi nauso sa henerasyon nila ngayon halos online games nalang ang alam lalo na nagpandemic hindi makalabas kaya mga bata sa telebesyon o cellphone ang libangan. Kaya kapag may nakikita kang naglalaro na mga bata ng ganito ang saya tingnan. Ang tagal nila natapos nito naglaro hindi tumigil hangga't hindi sila napagod ngayon lang kasi nakalaro ng ganito. Ang saya nila enjoy na enjoy sa laro :) After lunch uwi na kaming Cavite mabuti nalang tumigil ang ulan ang hirap magbyahe ng maulan may mga bata. Sana hindi trapik at hindi mahilo mga anak ko sa byahe. #LarongPinoy #SackRace #owncontent @ruby0622

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.