read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

PAKWAN Ang init ng panahon kaya para mabawasan ng kaunti kain muna tayo ng pakwan. Bumili asawa ko kanina ang mahal din pala ng kilo nito 60pesos isang kilo kaya yung isang buo nasa 200 pesos din mahigit. Parang mas masarap itong dilaw na pakwan mas matamis siya kaysa pula. Kahit hindi masyadong dilaw ang kulay pero matamis siya. Pangalawang beses ko palang nakakain nito madalas pulang pakwan natikman ko. Mas masarap din talaga kainin ito kapag malamig siya lalo na ngayon mainit ang panahon nababawasan ang init na naramdaman :) Isang kainan namin kalahati ng pakwan kaagad naubos nakakabusog na rin, kaya ito na siguro meryenda namin :) Mas gusto rin ng mga anak ko ilang hiwa din naubos nakakatuwa sila panoorin sarap na sarap sa kinakain. Nagutom rin mga kids sa activities kaya chillax muna habang kumain at nanonood :) Happy and Blessed Monday Noisefam!

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.