read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Future Self ^_^ Maaga natapos ang online ng dalawang anak ko maaga kasi nag umpisa alas syiete pa ng umaga. Kaninang break time ng class ito pinagkaabalahan ng bunso ko at tinapos niya after ng online class. Nakakatuwa lang ginuguhit niya ang future self daw niya :) Mahilig din kasi talaga siya gumuhit isa yun sa hobby niya. Ayaw pa niyang ipakita habang siya ay gumuguhit ipakita lang sayo kapag tapos na niyang naguhit :) Sa pagguhit din niya nilalabas o pinapakita ang nararamdam niya kapag malungkot, masaya o galit ginuguhit niya ang kanyang sarili niya na may ganung emosyon. Kaya kapag may pinapaguhit sa mga activities nila sila lang talaga gumuguhit kasi wala talaga akong talent diyan kahit gustuhin ko man ayaw makiayon ang kamay ko hahaha. Ang ate niya mahilig din gumuhit pero mas marunong siya sa ate niya kapag nahirapan ang ate sa pinapaguhit na activity siya ang gumagawa :) Hindi man masyadong maganda ang pagkaguhit ni bunso bilang ina nakakaproud lang sa edad niya na pitong taong gulang ay naiisip niya ang maging future niya :) Tinanong ko nga bakit nurse ginuhit niya samantalang doktor ang pangarap niya paglaki. Ang sagot niya mag nurse daw muna siya bago magdoktor :D pero doktor daw talaga ang gusto niya para may gagamot sa amin kapag nagkasakit at tumulong sa poor people daw :) Kaya sabi ko mag-aral siyang mabuti para matupad mga pangarap niya. Ang dami pa naman pangarap bukod sa pagiging doktor, gusto rin maging pulis, firefighter, at scientist hahaha diba sobrang dami pero doktor talaga ang nangunguna :D Nakakatuwa at nakakaproud bilang magulang na may ganitong anak kahit bata pa may pangarap na sa future self niya :) Hoping and pray ipagkaloob ni Lord ang desire ng puso niya at lumaki sila ng ate niya na tinutupad at natutupad ang kanilang mga pangarap. Lahat naman tayong magulang yun ang pangarap sa ating mga anak :) Happy and Blessed Tuesday Noisefam! #BunsoFutureSelf #ProudMom #owncontent @ruby0622

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.